Breaking

Monday, January 14, 2019

Pangulong Duterte, nais i-appoint si Miss Universe 2018 ng position sa gobyerno

Pangulong Rodrigo Duterte, aalukin ng posisyon sa gobyerno si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Imahe mula sa Pinas News
Natuwa ang Pangulo kay Catriona Gray noong bumisita ito sa palasyo noong makabalik ang binibini sa Pilipinas pagkatapos ng Miss Universe 2018 pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Governor Luis “Chavit” Singson, nakaramdam ng “delight” ang Pangulo nang magkita ito at si Catriona matapos manalo ng huli sa Miss U pageant noong Disyembre.

“President Duterte? Natuwa siya, gusto nga niya i-appoint,” saad ni Singson.

Wala pa daw siguradong posisyon ang iaalok ng Pangulo kay Catriona, pero tiyak na malaki ang posibilidad na bigyan ng pwesto sa gobyerno ng Pangulo ang Miss Universe 2018 kapag natapos na ang kanyang tungkulin. 

Nasa New York ngayon si Catriona Gray, para gampanan ang kanyang trabaho bilang Miss Universe 2018. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Abante

No comments:

Post a Comment