Breaking

Wednesday, January 30, 2019

PANOORIN: Pinay OFW sa Saudi Arabia, minamanyak diumano ng kapwa Pilipino OFW

Imahe mula sa Facebook

Madalas makuhanan ng video ng pambabastos sa mga Pinay Overseas Workers ay ang mga foreigner na amo nito. Ngunit kakaiba ang video ng isang Pinay sa Saudi Arabia, na kung saan kapwa Pinoy ay gumagawa sa kanyang ng kabastusan.

Sa isang Facebook post ng OFW JOIN FORCE- Ang Boses At Kakampi ng mga OFW, ibinahagi ni Vicky Absin, ang pinay ofw na nasa video na kung saan palihim niyang kinuhanan ng video ang ginagawang kamanyakan ng kanyang kasamahan na Pilipino sa trabaho.



Ayon kay Vicky, driver ng amo nila ang naturang lalake na gumagawa sa kanya ng kabastusan. Kitang sa  video na mayroong suot na singsing ang lalake sa kaliwang kamay nito na ginagamit niya panghaplos sa likod ni Vicky.

Kitang kita rin sa video habang nagluluto sa kusina si Vicky, ay pilit na niyakap ng lalake si Vicky patalikod.



Kaya naman, naisipan ni Vicky na huminge na ng tulong, dahil ayaw siyang paalisin ng kanyang amo.

Basahin ang kanyang buong post dito:

"TO: PHIL.EMBASSY RIYADH

Humihingi po ng tulong si kabayan "Vicky Absin "
na and2 sa Riyadh Na ang kanyang reklamo ay ilan beses ng nangyari ang Pambabastos sa kanya ng kapwa Kababayan din natin na kung saan family driver ng kanilang Amo. Ilang beses narin xa humingi ng tulong sa kanyang Amo na babae pero ang sv daw ayaw xa payagan umuwi ng pnas at dahil natatakot narin xa bk kung anu pa mangyari sa kanya.Sana sa lahat ng ating mga kababayan natin kunting respeto man lng sa ating mga kababaihan Ofw dahil alam u ang batas ng Saudi. Maraming salamat po!"

Panoorin ang video dito:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment