Breaking

Saturday, January 26, 2019

Pari sa Cavite, timbog sa pagiging pusher: “Nagresearch lang po ako..."

Imahe mula sa Veritas at Remate


Nahuli sa isang buy-bust operation ang isang religious leader at isa pang lalaki sa isinagawang buy-operation sa Bacoor City, Cavite noong Huwebes ng gabi.

Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga pulis si Bishop Ricky Alcantara, 38-taong gulang at nagsasagawa ng kaniyang worships sa Trece Martires.



Paglilinaw ng kapulisan at ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP), hindi daw ito miyembro ng Roman Catholic (Church) at hindi din ito Catholic bishop na miyembro ng CBCP. 

"Linawin natin. Itong Bishop Ricky Alcantara hindi talaga member ng Roman Catholic (Church). Other congregation siya," paliwanag ni Superintendent Vicente Cabatingan, chief of police ng Bacoor City.



"So adik talaga siya," sabi ni Cabatingan.

"Richard Alacantara is neither a Catholic bishop or a priest of the Roman Catholic Church and is certainly not a member of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP)," ayon sa CBCP.



Isang mangingisda ang naarestong kasama ni Alcantara at ang isa pa ay nakatakas sa operasyon. 

Ayon sa mga kasamahan ni Alcantara sa simbahan sa Trece Marties, nitong buwang lamang ay tiniwalag na siya sa Sacred Order of Saint Michael Congregation sa Tagumpay Compound, Tabing Dagat, Barangay Alima, sa iba't-ibang kadahilanan na din. 



Ayon naman kay Alcantara, nagawa niya ang pagddroga dahil sa research para malaman niya ang epekto ng paggamit ng droga. 

“Nagresearch lang po ako n'yan. May makakapagpatunay naman na mga tao. Tinatanggap ko po ang pagkakamali ko. Inudyukan ako ng taong pinagkatiwalaan ko," paliwanag niya.


Ayon naman sa mga pulis, dalawang taon na nila minamanmanan si Alcantara at kasama ito sa drugs watchlist ng Bacoor City Police bilang isa umanong tulak at user.

“Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Isa siya sa mga tinitingala natin na religious leader ng congregation. Kasama natin dapat sila sa kampanya kontra droga pero iba ang nakita natin sa kaniya. Siya ay naging kalaban natin," saad ni Superintendent William Segun, director ng Cavite Provincial Police.

Nakuha sa pari at ang ang kasama niyang mangingisda na sumailalim na sa inquest proceedings ay 15 sachet ng hinihinalang shabu, improvised tooter at dalawang improvised na burner at iba pang paraphernalia.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment