Breaking

Thursday, January 3, 2019

PNP Chief: Albay Mayor Carlwyn Baldo, mastermind sa pagpatay kay Batocabe

Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang mastermind sa pagpatay kay AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe, ayon kay  Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde

Noong nakaraang linggo, bago sumapit ang araw ng Pasko ay pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang lalake si AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe at ang kanyang police escort na si SPO1 Orlando Diaz habang nagdaraos ng gift-giving sa mga senior citizens at persons with disability noong Disyembre 22, kasabay ng kanyang wedding anniversary. 



Nakiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamilya ni Batocabe at napaulat na magbibigay ng P50-million pabuya mula sa kanya ang sa mga kasamahan ni Batocabe sa Kongresso sa kung sino man ang makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang salarin. 

Sa presscon na ginanap ngayon Huwebes sa Camp Crame ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ay inanunsiyo niya na diumano ang mastermind sa pagpatay kay AKO Bicol Rep. Rodel Batocabe ay si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Imahe mula sa Philippine National Police/Inquirer

Mariing itinanggi ng ilang ulit ni Baldo na may kinalaman siya sa pagpaslang sa kanyang katunggali sa pagka-Mayor ng Albay. Si Batocabe, ay tumatakbo din na mayor para sa May 2019 elections. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment