Breaking

Wednesday, January 23, 2019

"Prevention is better pound of cure" | Philhealth director, nagpaalala na mask, alcohol at sapat na pahinga ang kailangan para makaiwas sa trangkaso

Imahe mula sa South China Morning Post


Naging kaugalian na ng mga Pinoy ang pumunta sa matataong lugar ng walang dalang alcohol at mask na maaring makatulong para makaiwas sa mga sakit sa paligid. 

Ayon kay Philhealth independent director Anthony Leachon, na dapat ay maging kultura ng mga Pilipino ang gumamit ng mask tuwing pupunta sa mataong lugar kagaya ng Divisoria lalo na tuwing panahin ng pneumonia. 



"Hindi mo alam kung 'yung mga (virus) droplets bumagsak sa mga bagay puwede mong hawakan," sabi ni Leachon.

"Kailangan niyo 'yan sa mga lugar na matao, kung nasa Divisoria, simbahan, o matao na lugar, kailangan meron kayo kung mahina ang inyong kundisyon," aniya.



Ayon kay Leachon, hindi dapat binabalewala ang ganitong klaseng karamdaman kagaya ng trangkaso dahil maaring virus ito na may possibilidad na magdulot ng malubhang karamdaman. 

"Oras na yung virus mag-spread, it can go to any part of the body. Puwedeng sa heart, sa brain o kaya ay magkaron ka ng viral infection," aniya.

Kinakailangan din ng sapat na pahinga at malusog na pangangatawan para makaiwas sa pagkakaroon ng trangkaso, sabi ni Leachon.

"Prevention is better than a pound of cure. Mas mahirap na ma-admit tayo, mas magastos, at mahirap tayo gamutin," sabi niya.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment