Breaking

Tuesday, January 15, 2019

PWD ID, maari nang makakuha ang mga malalabo ang mata

Malabo ang mata, maari ng makakuha ng PWD ID. Imahe mula sa Outrage  Magazine at primer.com.ph
Mga malalabo ang paningin, puwedeng makakuha ng PWD card

Sa mga malalabo ang mata, alam niyo bang puwede kayong makakuha ng PWD ID? May mga benepisyo ito pero may pakiusap ang National Council on Disability Affairs.



Republic Act 9442 at RA 10754 sa City Hall makukuha ang PWD ID dala ang rekomendasyon o medical certificate mula sa opthalmologist na may functional limitation dahil sa malabong mata. 

Sa Maynila, maituturing na PWD na ang isang tao kahit kaya pa remedyohan ang grado ng salamin. 



Bilang PWD, ilan sa mga beneposyo ng RA 9442 ang mga sumusunod:

1. Discount at VAT exemption sa mga bilihin at serbisyo
2. Educational assistance
3. Express lane or special aread para sa mga PWDs
4. Incentives din sa mga mag-aalaga sa PWDs



Sa Department of Health classification disability form, meron siyam na pamantayan ng disability at ito ang mga sumusunod:

Psycho-social na kung saan kasama ang may bipolar disorder
Mental
Hearing
Visual
Learning
Orthopedic
Chronic Illness
Speech 
at  Multiple



Ayon sa Executive Director ng National Council on Disability Affairs, nahihirapan sila minsan mamahagi ng PWD IDs dahil ang iba ang nasa wastong kalusugan naman. 

"Sa mga gustong mag-apply ng PWD IDm siguruhin niyo lang na kayo ay may disability at hindi 'yung basta sakit lang. Para ma-detemine niyniyo, tingnan niyo kung ano 'yung functional limitation na naging resulta ng inyong sakit." ani ni Carmen Reyes Zubiaga, Exective Director ng NCDA.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN


No comments:

Post a Comment