Breaking

Wednesday, January 16, 2019

Rehabilitasyon sa Manila bay sisimulan na sa Enero 27, pwede na mag-swimming sa Disyembre

Maari ng mag-swimming sa Manila Bay sa Disyembre 2019, matapos ang rehabilitasyon sa isang phase nito. Imahe mula sa ABS-CBN

Mainit na usapin  nga simula noong nakaraang Linggo ang rehabilitasyon ng Manila Bay. Ininspekston ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang establisimyento na nakapuwesot malapit sa Manila Bay at sa mga ilog at esterong konektado rito para matukoy kung sino ang nagtatapon ng maruming tubig.

Ayon sa grupo ng Tourism Congress of the Philippines (TCP), hindi lang mga hotel ang dapat silipin ng gobyerno sa rehabilitasyon kundi pati mga komunidad na nakapuwesto sa may dagat sa Maynila, Cavite at Laguna.



"Kami ay nagulat lang dahil at bakit parang hotel na naman ang na-single out. Karamihan din naman ng dumi 'no ay nanggagaling din sa iba't ibang lugar," ani Clemente. 

Simula ng rehabilitasyon aarangkada na

Nakatakda ang paglilinis ng Manila Bay sa pangunguna ng DENR sa Enero 27, at inaasahan na sa Disyembre 2019, ay maari na paliguan ang ilang bahagi ng Manila bay. 

Ayon kay Environment Undersecretary Sherwin Rigor, hindi pa ligitas paliguan ang Manila Bay ngayon dahil sa mataas na level ng bakteryang fecal coliform. 



Kakausapin din ng gobyerno ang mga residente sa Baseco area, Estero de Abad, at parte ng Barangay Santo Niño para sa kanilang relokasyon na bahagi ng rehabilitasyon.

Reclamation project ng Manila at Pasay

Samantala, nagpahayag din ng pagtutol ang DENR sa reclamation project ng Manila at Pasay dahil magiging sagabal daw ito sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Pero ayon kay Rigor, si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang makakapagdesisyon ukol sa reclamation project.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment