Breaking

Thursday, January 24, 2019

SCAMMER ALERT! Wedding coordinator sa Cavite, pinaghahanap

Imahe mula sa Facebook

Magandang kasal, yan ang hangad ng bawat magkasintahan kaya pinaghahandaan mabuti ito lalo na "financially." Pero paano kung ang pangarap mong kasal na pinagkagastusan ay hindi mangyayari dahil sa nakilala mo na "wedding coordinator" na scammer pala sa Facebook. 

Sa mga post sa Facebook ng mga sinasabing naloko ni Monica Olfato Batingal, ang sinasabing wedding scammer ng Cavite na kung saan marami ang lumutang na biktima nito. 



Sa kwento ng isang biktima, P190,000 na daw ang kanyang naibayad kay Batingal, ngunit ng papalapit na ang kasal, hindi na ma-contact sa cellphone si Batingal. 

"Sa food-tasting pa lang nag-nine follow-ups kami... Ang dami niyang reasons," sabi ng isa sa kanyang naging biktima. 

Disyembre ng nakaraang taon ang kasal ng isa sa kanyang mga biktima, kaya Pebrero palang ng nakaraan taon, ay fully paid na ito. Sa kasawiang palad, ng kino-contact na nila si Batingal ay nakapatay na ang cellphone nito. 



Sa isang Facebook post naman, na shinare ng isang netizen na nabiktima diumano ni Batingal ay pinagbayad diumano sila ng P10,000 para sa venue ng kanilang kasal sa Tagaytay para sa wedding photographer at make-up artist nila. Ngunit, kasawiang palad marami na sila naririnig na hindi maganda kay Batingal at sa PINK EVENTS page, kaya nag-decide sila na bawiian ang pera. Parehas na modus, hindi na din ma-contact si Batingal. 

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook

Pinaghahanap na ngayon ng kapulisan si Batingal, at hinihikayat ang iba pang na-biktima ng scammer na ito na magsampa ng reklamo para tumaas pa ang maging asunto nito. 

Nag-paalala naman si Chief Inspector Resty Soriano, hepe ng Silang police station na iwasan ang magtiwala kaagad sa mga nakikilala online. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment