Breaking

Thursday, January 24, 2019

Senador Koko Pimentel, nais gawing 'regular employees' ang mga barangay officials

Imahe mula sa Rappler at Official Website Of Cavite City

Bilang isang senador, nag-file si Senador Koko Pimentel ng isang bill na kung saan naglalayon na ideklarang "regular government employees" ang mga hinalal na barangay officials. 

Ayon kay Pimentel, sa Magna Carta for Barangays ay sinuggest niya na ang sahod ng isang punong barangay ay parehas ng sahod ng Sangguniang Bayan member ng munisipalidad o bayan na kanyang kinasasakupan. 



“As the basic political unit, the importance of barangays in our system of government cannot be overemphasized,” ani ni Pimentel. 

“It is therefore fitting that measures promote the welfare and prosperity of barangays be enshrined in a Magna Carta to give due recognition to the crucial role they play.”



Aniya niya, ang miyembro ng Sanguniang Barangay ay dapat mabayaran ng amount ng sahod kaparehas sa 80% na sahod ng miyembro ng Sangguniang Bayan.

Samantala, kung ang punong barangay ay makakakuha ng 80% na sahod, ang mga Sangguniang Kabataan (SK) chair, barangay secretary, at barangay treasurer naman ay kailangan makakuha ng 75% na sahod kapehas ng sahod ng miyembro Sangguniang Bayan. 



Aniya, kailangan ang ganitong pamamaraan para mabigyan ng kapangyarihan ang mga nasa barangay para makatulong sila sa ibabayad nila na tax mula sa kanilang sasahurin para makatulong sa pagmamaintena ng mga kalsadaa at tulay na kanilang kinasasakupan. 

Layunin din ng panukala ni Pimentel ang pagiging mandato ng barangay sa paniningil sa mga taxes, fees at charges na kokolektahin mula sa mga residente na gagamitin para sa kanilang operasyon sa loob ng barangay. 

Sa ilalim ng panukalang-batas, ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng regular na supply ng malinis at maiinom na tubig, pampublikong transportasyon, mga paaralan, mga health center at barangay hall ay ipagkakaloob sa bawat barangay.



Ayon sa senador, ang mga iminumungkahing probisyon ay itinayo sa prinsipyo na dapat bigyan ng pansin ng gobyerno ang pag-unlad ng mga barangay at pahintulutan silang magkaroon ng awtoridad at kakayahan upang mahawakan ang mga alalahanin nito sa antas nito.

“Self-help or people power shall be the guiding principle in all barangay development projects.”

Yan ang nais ni Pimentel sa kanyang gagawing panukala para magkaroon ng benepisyo ang barangay sa mga walang hanapbuhay na makakatulong din sa kanilang mga magiging proyekto. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment