Breaking

Wednesday, January 30, 2019

SM Supermalls, official statement sa 'bomb scare' text na kumakalat

Imahe mula sa Entrepreneur Philippines
Viral ngayon ang 'bomb scare text' na kumakalat sa Facebook messenger kaninang umaga, matapos ang mga pagsabog sa Mindanao na diumano ay sangkot ang mga Abu Sayyaf.

Kaninang umaga nagsimula na makareceived ang mga netizen ng text message, na diumano galing sa SM officers na sinasabing iwasan muna pumunta sa SM malls dahil sa nakatanggap ng 'bomb threat' ang nasabing mall mula sa mga Abu Sayyaf.



Ayon sa text message, humihinge diumano ng $15 million ang Abu Sayyaf at kailangan maibigay ito ng SM Supermalls sa loob ng isang linggo, kung hindi mabibigay ay tataniman ng Abu Sayyaf ng bomba ang mall.

Ang bomb threat ay agad na kumakalat online na nagiging sanhi ng takot sa iba't ibang lugar sa bansa.



“From SM Officers: Hi guys! Just an update, we just got a call from abusayaf right now asking SM for $15million! Or else they’re going to bomb the mall. We have 1 week to do that. We are on high alert now. Tell your love ones, friends and co workers better avoid any SM branch for the mean time. Better be safe than sorry. We are doing close security after receiving the call this morning. Don’t post on your walls as per request of the officer. But do inform relatives and friends. Please private message only. (this is frm : BCD SM ADMIN . – Frm : Kyla Avonahceh . please don’t post it on your wall . kindly , pass this on your friends . Thankyou”


Samantala, ang SM Supermalls ay agad na nagbigay ng official na pahayag tungkol sa viral na bomb scare text.

Ayon sa SM Supermalls, hindi ito totoo at ang nasabing bomb scare text na kumakalat sa social media ngayon ay tatlong taon na ang nakalipas. Wala din daw silang empleyado na ganun ang pangalan, na nakalagay sa bomb scare text. 

Gayunpaman, matindi ang kanilang seguridad sa kanilang malls para mapangalaagan ang kanilang mga tenants at customers.



 What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Twitter

No comments:

Post a Comment