Breaking

Sunday, January 6, 2019

TAKE TIME TO READ THIS: Pagamutan ng Dasmariñas, hindi diumano pinayagan i-admit ang pasyente dahil sa hindi botante ng Dasma ang kanyang nanay

Batang pasyente sa Pagamutan ng Dasmariñas, hindi diumano inadmit dahil sa hindi botante ng Dasma ang ina? Imahe mula sa Facebook

Nadismaya ang pamilya ng bata dahil hindi nila inadmit sa Pagamutan ng Dasmariñas dahil ang nanay ng bata na pasyente ay hindi botante sa Dasma.

Ibinahagi ito ng isang netizen, dahil ang naging karanasan niya at ng kanyang pamangkin ay talaga naman nakakagalit. 

Bago mag-bagong taon ay dinala nila ang bata dahil sobrang taas na ang lagnata at di makahinga.



Ayon sa kuwento ni FB user Ma Ri Cris, sinugod daw nila ang pamangkin sa nasabing pagamutan dahil sa labis na pagsusuka at taas ng lagnat.

Nang dumating sila, pinag-antay muna sila ng mga 30 minuto bago na-interview. Lahat ng tanong. Bandang mga alas-dos na ng umaga, nilagyan na ng swero ang bata at pinainom ng paracetamol kasi dehydrated na ang bata. 

Nag-alala na sila kasi dumadami ang rashes niya pero walang ibang ibinigay. Ayon sa mga nars at doktor, dehydration treatment alang daw muna. Nang dumating na ang hapon, at hirap nang huminga ang bata, nag-decide na ang doktor i-admit. 

Kaya lang di siya naadmit dahil nang hingan ng voter's ID ang nanay, nalamang hindi siya botante ng Dasma. Sinabi naman ng tiyahin na siya'y taga-doon kaya lang policy daw nila at dapat ang nanay talaga ng pasyente ang botante. Ang nangyari, nilipat sila ng ospital. Sabi nga ng tiyahin sana di sila pinag-antay nang ganun. 

Sana raw sinabi sa kanila agad, hindi yung mahigit kumulang 20 hours ang tinigil nila sa ospital. Nang makalipat sa St. Michael Hospital, nabigyan ng tamang lunas ang bata. Pero sabi ni Ma Ri Cris, natuto sila ng isang malaking leksyon, 'wag iasa s public hospital ang kalagayan ng mahal mo sa buhay pra lang makatipid ka.


Basahin ang buong post ni Ma Ri Cris:

Take time to read., tungkol eto s naranasan namin s Pagamutan ng Dasmariñas !!!

Hindi ko tlga makakalimutan ang pagpasok ng taon 2019. sakto magpalit ang taon sinusugod namin s Pagamutan ng Dasmarińas ang pamangkin ko kasi napakataas ng lagnat na hindi bumababa at suka na ng suka. kahit marami ako nababasa na negative comment s hospital na yan tinuloy ko parin na dalahin namin cya pra makatipid din s mga gagastusin kung sakali for admission na ang pamangkin ko. dumating kami cguro doon mga 1:00am hiningian ng information at nag antay ng halos 30mins bago na interview ng nurse. tinanong ang history ng sakit after ng interview nag antay naman kami pra s check up ng doctor. cguro mga 2:00am na macheck ng doctor ang pamangkin ko. tinanong kung ano history ng sakit. 

( Dec 27 pina check namin cya kay Dr.Senson kc on & off ang lagnat at may ubo at sipon. diagnosis ni doc may tonsilitis kasi may mga red spot malapit sa tonsil nya. kaya niresetahan ng Cefaclor antibiotic after 2days Dec 29 nilabasan ng maraming rashes s buong mga binti binalik namin ulit kay Doc Senson pra ipa check kung bkit nagka allergy pina labaratory ang dugo pra malaman kung may dengue ba. after the result ng lab normal naman ang dugo at pinabawasan nlng ng dosage ang antibiotic. kinabukasan Dec 30 lalong dumadami ang mga skin rashes at sobrang taas ng lagnat nya kaya nag decide kami na dalahin ulit cya s ibang doctor kay Virata. findings ng doc sa Virata na hypersensitivity sa antibiotic na una naireseta kaya pinapalitan lahat ng gamot na ininom nya lalo na yung antibiotic. umuwe kami ulit s bahay at mula ng inumin niya ang mga bagong gamot na nireseta nagsimula naman cya ng suka na ng suka hangang kinabukasan Dec 31 mula umaga,tanghali,hapon at gabi ay sumusuka lng cya kpag naiinom ang mga gamot. hanggang dumating ang 12mn na sakto dun na sumuka na naman cya kaya nag decide na dalahin s Pagamutan ng Dasmariñas. )



2:20am pinalagyan na cya ng swero ng doctor kasi dehydrated na ang pamangkin ko at binigyan ng paracetamol. buong magdamag at maghapon ang pamangkin ko s Pagamutan ng Dasma hindi bumababa ang lagnat nya at wala binibigay s knya na ano man na gamot bukod s paracetamol dhil under observation daw. panay ang tanong ko sa mga nurses at doctor kung wala ba ibang gamot na ibbgay kasi padami ng padami ang rahes nya at hindi bumababa ang lagnat at may ubo at sipon pa sagot lng nila wala daw kc dehydration lng muna ang itreat muna sa kanya. hanggang naghapon na nag 41•c na ang pamangkin ko at nahihirapan na huminga tyaka nag decide ang doctor na for admission hiningian ng voters ID ang kapatid ko eh hindi cya botante dito s dasma at sinabi ako ang botante dito hindi parin nila tinanggap dahil kailangan ang mismong nanay ng bata ang botante policy daw tlga ng hospital nila kpag hindi botante ay hindi pede ipapa admit s hospital nila. pede sila bigyan ng pang unang lunas pero need ipa transfer s ibang hospital. ang kinagagalit namin kung yun pala ang policy nila dapat sana mula pa nung madaling araw na dumating kami doon ay sinabi na nila na hindi sila tatanggap ng hindi botante ng dasmariñas kasi willing naman kami ililipat nlng namin agad hindi yung tumagal na cya halos dun ng 20hrs na dextros at paracetamol lng ibbgay ng may complecation na yung bata at inantay pa nila na dumaing ng nahihirapan ng makahinga at masakit na ang tiyan at ulo at nag chichill na ang pamangkin ko tyaka nagbgay ng antihistamine pra s allergy at omeprazone pra s pananakit ng tiyan.sana maaga plng ay nagawa na namin agad pra mas naagapan ang bata. buong magdamag naka swero ang pamangkin ko na nakaupo lng s monoblox na upuan.paano magiging komportable ang bata ng ganun ng hindi makatulog ng maayos. sobra lng pagka dismaya ng pamilya ko s ngyari or na experience namin s Pagamutan na yan., totoo pala ang mga kwento na pababayaan klng dyan at hindi matatanggap kpag hindi botante. bwiset na policy yan na hindi dapat ganyan at patakaran daw yan ng gobyerno. so panget pala ang municipality ng dasma at nagpatayo ng hospital na pra lng s mga botante ng dasma. hindi ko alam kung tama ba ang ganyang policy o mali. 

andito namin s St.Michael Medical sa Molino pina transfer ang pamangkin ko at after ma admit dito kinabukasan ng umaga ay hindi na nilagnat ang pamangkin at sbi ng doctor buti naagapan ang pamangkin ko dahil once na nahirapan huminga ang bata ibig sbhin ung allergy nya ay pumapasok na sa baga nya. may bacteria na ang dugo at urine nya kaya hindi nababa ang lagnat. kaya ano ang ginawa ng Pagamutan kung dito sa St.Michael eh after 6hrs na treat nila ang allergy na mag lessen at hindi na nilagnat mula ng kahapon ng umaga.. kung ginawa ng pagamutan agad ang nagawa ng St.Michael Hospital eh di sna naging ok agad ang pamangkin ko.



Lesson Learn: wag iasa s public hospital ang kalagayan ng mahal mo sa buhay pra lng makatipid ka. dahil may mga ibang pagamutan tlg na napapabayaan klng dahil sa salitang "Public Hospital lng" ... uu nga pala umabot ng 3k mahigit ang bill ng pamangkin ng wala naman ngyare although ayaw ko naman sila iblame na wala sila nagawa na pang unang lunas kasi may nagawa naman sila kaso ni refuse nila iadmit s hospital nila na kailangan ipalipat pa ng ibang hospital.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment