Breaking

Monday, January 28, 2019

Update sa Rizal highschool student na nam-bully, takot makulong at nag-iiyak

Imahe mula sa Facebook
Mainit na mainit na usapin noong nakaraang taon ang pambubully, dahil sa video na nakunan sa loob ng banyo ng Ateneo de Manila University na kung saan mga estudyante na menor de edad ang kasama sa viral na video. 

Ang nasabing paaralan ay nagpataw na ng sanctions at penalties sa batang bully ng Ateneo at napaalis na ito sa paaralan.



Nito naman nakaraang Linggo ay kumalat din ang video ng mga babae mula sa Rizal High School na binubully ang isang naman babae na menor de edad. 

Matapos magviral ng video, agarang aksyon naman ang ginawa sa pakikipagtulungan na din mismo ng kanilang mga magulang, Enero 25 nang dalhin ang mga dalagita sa barangay, kasama ng kanilang mga magulang, doon ay kinausap sila ni Barangay Captain Francisco De Leon tungkol sa pambubully nila sa walang kalaban-labang biktima.



Sa naganap na paghaharap, kasama rin umano nila ang guidance counselor ng Rizal High School nakipagtulungnan na rin ang Department of Social Welfare and Development ng Pasig City upang aksyunan ang pananakit ng mga dalagita sa kanilang kapwa menor de edad.

Sa ngayon, ayon sa latest update at pinaguusapan na ng DSWD at ng mga eskwelahan ng mga dalagita kung ano ang nararapat na parusa ang ipapataw sa kanila.

Sinabi rin umano ng mga dalagita lubos na silang nagsisisi at natatakot sa kanilang ginawa subalit sa kabila ng pahayag na ito, nanatiling mga galit ang mga netizens.



Isa sa mga nambully sa video ay nakilala na si Hanailla Alcantara, estudyante ng Rizal High School at nakatira sa  Pasig City.


Imahe mula sa Facebook
Panoorin ang video dito:





What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment