Breaking

Thursday, January 31, 2019

VIRAL: Foreigner, mangiyak-ngiyak na ibinahagi ang karanasan sa pagbabago ng Manila Bay

Imahe mula sa Facebook


Nagkalat ngayon sa social media ang mga larawan ng Manila Bay sa Roxas Boulevard, matapos ang pagbubukas ng 'clean up drive' noong Linggo, Enero 27,  2019 na kung saan dinaluhan ito ng iba't-ibang grupo mula sa mga local government units (LGU) sa paligid ng Manila Bay.

Isang linggo ang nakalipas, at tila madami ang nagbabahagi ng kanilang karanasan sa Manila Bay dahil wala ng basura sa dalampasigan ng look at makikita na ang buhangin na noon ay puro basura.

kumuk

Kaya naman, kakaiba ang video ng isang babaeng foreigner na kung saan, maiyak-iyak siyang ibinabahagi ang kagandahan ng Manila Bay, at sa likod niya ay makikita ang dami ng mga tao na nagnanais din masaksihan ang linis sa gilid ng look.

Ayon kay Liana Meyer, ang foreigner na masayang ibinahagi ang karanasan sa kanyang Facebook post. Maraming beses na siyang napadaan sa Manila Bay na kung saan madami daw basura na makikita sa buhangin na kinatatayuan niya habang kumukuha ng video.



Kitang-kita niya daw ang saya sa mga Pilipino na nagse-selfie at bakas sa kanilang mga mukha ang kaligayahan sa pagbabago sa Manila Bay.

"Filipinos deserve better, and this is what they deserve,"sabay tingin sa paligid habang bakas sa kanyang mga mata at boses ang "tears of joy".



Nainspire daw si Liana sa nakikita niya ngayon sa Manila Bay, at hinikayat niya ang lahat na saksihan din ang napakagandang tanawin para maranasan daw ang saya na nararamdaman niya ngayon.

"If you have the free time, it's worth it." ani ni Liana.



Panoorin ang video dito:






What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment