Breaking

Thursday, January 10, 2019

VIRAL: Isang babae, nagwala sa MCDO: "General Manager sa Military ang kasama ko, paki-bilisan naman at lasing mga kasama ko."

Babae, nagwala sa isang fast food restaurant dahil diumano sa kabagalan at kulang-kulang na pagbigaay ng kanilang pagkain. Imahe mula sa Facebook
Nakuhanan ng video ang isang babae na nagsisigaw sa isang fast food restaurant dahil diumano sa kabagalan ng pagbibigay ng order sa kanila. 

Ayon sa video na kumakalat sa Facebook, sinasabi ng babae na general manager ng military ang kanyang kasama at nakainom. Sila daw ay umorder ng kape at pagkatapos ay umorder ng french fries at bucket meal ng manok at nuggets. 



Kitang-kita sa video na hinahanap ng babae ang manager ng nasabing fast food restaurant, dahil sa malamig daw ang kanin na ibinigay sa kanya ng kanyang mga crew at kulang-kulang pa daw. 

Paliwanag naman ng nag-post ng video, sa gabi daw ay kakaunti na ang naka-duty sa nasabing fast food restaurant at ikinuwento niya ang ginawa at sinabi ng naturang babae.



Basahin ang buong post:

"Grabe si ate porket general manager sa military kaylangan VIP Treatment?? mga lasing po sila pero yung babae lang ang maingay.

Una umorder po si girl ng coffee para sa lahat. So gy shift nga po. Bilang lang po ang mga crew nung gabe na yun. So eto na nga. Umorder din sya ng dalawang bff fries. Served po yun. Umorder sya pero pagalit at pataas ng kilay. Ang sabi nya "paki bilisan naman miss lasing yung mga kasama ko" so na order naman po ng mabilis.

So eto na oorder naman sila ng bucket meal. 15chicken 16 na nuggets. Pero this time yung sinasabi naman ni girl na military daw (sabi nya) general manager daw sa militar ang umorder sa counter. Dahil nga po gy shift malimit lang po ang product namin.

So sinabi ni counter na 15mins po served pumayag naman si militar. Tapos nagalit na si girl bat ang tagal tagal daw. Pinagmumura na lahat ng crew pati manager at si manong guard. Kesyo daw bakit daw pinaghihintay yung general manager. Dating sundalo daw yun. Kawawa naman yung crew. Pero mas nakakaawa po yung manager na naka duty po diyan kase babae po yung manager namin na nakaduty nung araw na yun."

Panoorin ang video sa ibaba:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook


No comments:

Post a Comment