Breaking

Wednesday, February 20, 2019

26,000 Nurses ang kailangan ng DOH para sa pagsisimula ng Universal Health Care na may sahod na P33,000

DOH, mangangailangan ng 26,000 nurses ngayon taon na may salary na P33,000. Imahe mula sa Inquirer
Sa pinirmahan na "Universal Health Care Bill" ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon na naglalayon na mabigyan ng kaukulang atensyon medical ang bawat Pilipino ay kakailanganin ng Kagawaran ng Pangkalusugan ang libong bilang ng nurse para sa bawat ospital sa Pilipinas. 

Noong Philippine Nurses Association (PNA) Nursing Leadership Institute training na dinaluhan ng libo-libong nurse sa bansa ay masayang inanunsyo ni DOH undersecretary Roger Tong-an na kakailanganin nila ng maraming nurse para sa pagpapatupad ng Universal Health Care.



Ayon kay Usec Tong-an, magha-hire sila ng 26,000 nurses para sa  plantilla positions na may nakalaan na sweldong P33,787.

“We will have 26,000 nurses who will be in a plantilla position as an appointment next month for this Universal Health Care.” 

“As much as P7.4 billion will be added in the budget of the UHC ‘so that our nurses in the grassroots will not be unemployed again, so pinabalik namin sila.”



Dagdag pa niya na ang magkakaroon ang mga matatalagang nurses sa ating bansa ng magandang "salary package" sa susunod na buwan. 

"From a job order, there will be appointment of nurses who will get “very good salary package.” He said, “And just to announce, that the salary of our nurses next month will be P33,787.”

“So a task of this magnitude requires renewed trust and coordinated efforts among our health stakeholders. We can start the reforms in building a health care system that is strong and resilient.”



Ayon kay Budget secretary Benjamin Diokno na nangangako ang administrasyon ni Pangulong Duterte na may nakalaan na budget para sa mga nurses dito sa Pilipinas para mabigyan sila ng permanent at contractual na posisyon.

Mayroon P20 billion ang binigay sa DOH, kasama ang P4.797 billion at P7 billion na kakailanganin sa DOH’s Human Resource for Health Deployment Program (HRHDP).

Kinumpirma din ni DOH Secretary Francisco Duque at DOH Undersecretary Dr. Eric Domingo na magkakaroon ng "massive hiring" sa mga health workers na makakapasa sa kanilang pamantayan ng pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa buong bansa. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: The Summit Express

No comments:

Post a Comment