Breaking

Monday, February 18, 2019

Ambulansiya, nakabundol ng tao! Balak pa diumano takbuhan kung hindi naharang ng isang nagmalasakit na motorista

Matandang nabundol ng ambulansiya, balak diumano takbuhan. Imahe mula sa Facebook

Kadalasan ang ambulansiya ang pinabibigyan sa kalsada dahil may sakay itong pasyente na marahil ay agaw buhay.

Ngunit tila kabaliktaran ang nangyari sa kuha na video ng isang concerned na motorista, na wala naman sakay. Nagmamadali daw ito at walang palatandaan na may sakay na pasyente ang naturang ambulansiya dahil hindi daw ito nagwang-wang.



Ayon sa Facebook post ni Joshua Maguinsay, kung hindi pa daw niya haharangan ng kanyang motorsiklo ang ambulansiya ay hindi pa daw ito hihinto para tulungan ang kawawang matanda na nabundol nito.

Imahe mula sa Facebook

Agad na ipinakita ni Maguinsay kung saan barangay ang ambulansiya na may balak tumakbo sa kawawang matandang natumba sa kalsada. Ang Barangay Balangkas ay sakop ng Valenzuela City na malapit sa North Luzon Express Way (NLEX) na kung saan doon daw patungo ang ambulansiya ayon sa post ni Maguinsay.



Bumaba naman ang driver at nag-alok ng tulong sa biktima, ngunit tumanggi na magpadala sa ospital ang biktima. Ibinigay na lamang ng driver ng ambulansiya ang plate number para makapunta ang matandang biktima, sakaling mangailangan ito ng tulong.





Umani naman ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang video na inupload ni Joshua Maguinsay sa Facebook, at sa kasalukuyan ay naibahagi na ito sa social media ng 1.9K shares para mapanood ng mga nasa posisyon sa lungsod ng Valenzuela.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment