Breaking

Tuesday, February 26, 2019

Atty. Bruce Rivera, may mensahe kay Senatorial candidate Samira Gutoc: "Kelan pa naging walang-hiya ang kusang umiwas?"

Gutoc, sinabihan 'walang hiya' ang DDS, Atty. Bruce Rivera, nag-react. Imahe mula sa Facebook
Hindi napigilan ni Atty. Bruce Rivera, kilalang DDS supporter ang magbigay ng reaksyon kay opposition senatorial candidate Samira Gutoc, matapos na sabihan ni Gutoc na 'walang-hiya' ang mga DDS na hindi sumama sa pag-gunita ng People Power Anniversary sa EDSA Shrine noong Sabado.

Ayon sa naging talumpati ni Gutoc, nanawagan siya sa mga “Diehard Duterte Supporter” o “DDS” na makiisa sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng People Power Revolution noong Pebrero 25.



Sigaw ni Gutoc sa harap ng crowd na nagtipon sa People Power Monument sa EDSA, “Hoy, mga DDS, sumama na kayo dito sa People Power. Pilipino din kayo, tao din kayo, babae din kayo, may ina din kayo.”

Aniya, “walanghiya” umano ang mga DDS kung sasabihin ng mga ito na hindi sumasama dahil hindi iyon pang-DDS.

Kaya naman hindi napigilan ni Atty. Bruce Rivera na sagutin ang naging pahayag ni Gutoc at ipinaliwanag niya mula sa kanyang Facebook post, bakit hindi nakikidalo ang mga supporter ni Pangulong Duterte sa paggunita ng people power revolution.



Basahin ang buong Facebook post ni Atty. Bruce Rivera dito:

"TO SAMIRA GUTOC

Bakit po naging walang hiya kapag hindi sumama sa anniversary ng People Power? Alam mo kung ano ang walang-hiya, yung magkukunwaring Muslim na alam ang problema ng Mindanao pero hindi ka lumaki sa Mindanao at karamihan ng kasama mo habang lumalaki ay Kristiyano. Huwag ka pong ipokrita kasi hindi naman po kasi namin kasalanan ang madaming bagay.

Una, hindi namin kasalanan ng ginamit ninyo ang People Power sa lahat ng bagay na hindi umaayon sa interes ninyo. In short, ginawa ninyong yellow playbook ang People Power. Ang tanong, paano naging "people" na kasapi ay kakarampot lang. Ang people ay majority hindi 20% ng mga tao na ayaw kay PRD. Ang People Power ay hindi mo lang makikita sa EDSA. Nagkataon lang na andun ang shrine. Ang People Power nakikita mo sa buong Pilipinas. Yung binoto si PRD ng mga tao kahit sa tingin ng mga dilawan ay bastos at magaspang siya, people power yun. Shrine lang ang EDSA dahil ang People Power ay nasa puso ng bawat Pilipino. Napaka-literal mo mag-isip.

Panghuli, paano naman kami sasama eh inako na ninyo na inyo ang EDSA pati ang People Power. Ginawa ninyong annibersaryo ng pagkapanalo ng isang Cory Cojuangco Aquino ang people power na parang hindi matutuloy ang kalayaan ng Pilipino kung wala si Cory. Pero ang katotohanan, wala ang EDSA kung wala ang dalawang milyong Pilipino na andun at ipaglaban ang kalayaan ng bayan.

So sino ngayon ang walang-hiya? Kayong namimilit na sasama kami sa pamumulitika dahil kinulayan ninyo ang isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas o kaming umiiwas na lang dahil gusto pa din naming maging totoo sa kasaysayan ng ating bayan?

Kelan pa naging walang-hiya ang kusang umiwas?

Mam Samira, isip lang ng kahit konti."


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment