Breaking

Sunday, February 24, 2019

Atty. Larry Gadon hiniling kay Pangulong Duterte 'wag bigyan ng budget ang Edsa People Power commemoration

Atty. Gadon, nakiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na 'wag sayangin ang pondo sa EPPC. Imahe mula sa Rappler at Philippine Star


Ang EDSA PEOPLE POWER COMMISSION ay ahensya ng gobyerno na itinalaga para magplano at mag-organize ng paggunita ng sambayanang Pilipino ng 1986 EDSA Revolution. Ang pangunahing layunin nito ay magbuo ng mga aktibidad para isaala-ala ang mga prinsipyo at kaugalian na nag-udyok sa rebolusyon.

Ang kandidato ni Senatorial na Si Atty. Larry Gadon, kandidato sa pagka-Senador ay humiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paglalaan ng mga pondo ng pamahalaan sa EDSA People Power Commission para sa pagdiriwang sa Lunes ng ika-33 na Anibersaryo ng People Power Revolution.



Si Gadon ay tumatakbo sa ilalim ng Kilusang Bagong Lipunan, isang political party na sinimulan ng dating Pangulong President Ferdinand E. Marcos na ang mga nanguna sa partido na ito ay noong 1986 na pag-aaklas. 

Ayon kay Atty. Gadon, ang pagdiriwang ng "People Power revolt"  ay isang propaganda lamang sa pagala-ala sa mga “fake heroes” na sinimulan ng mga dilawan sa ating bansa. 



“Nananawagan ako kay Pangulong Duterte na itigil na ang pagbibigay ng milyon-milyong pondo sa EDSA Commission na iyan na ang buwis ng mga tao ay ginagamit lamang diyan sa propaganda ng mga dilawan na may mga peke na hero.” 

Sinabi din ni Atty. Gadon na isang "kagaguhan" ang pag-gunita sa EDSA People Power revolution. 



Ginugunita ang EDSA revolution bilang national holiday tuwing Pebrero 25. 

Sinisi din ni Atty. Gadon ang administrasyong Aquino, dahil nagmula ang EDSA people power revolution sa mga sumusupporta kay dating Pangulong Corazon C. Aquino. 

Ayon kay Gadon, kung hindi ibinenta ng mga Aquino ang Meralco sa kanyang mga alagad ay hindi magdudulot ng pagtaas ng kuryente sa bansa. 




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment