Breaking

Wednesday, February 20, 2019

BASAHIN at PANOORIN: Para sa kaligtasan ng mga anak niyo, nangunguha ng bata nahuli kanina

Babaeng taga Las Pinas, huli sa aktong pagkuha sa bata. Imahe mula sa Facebook

Umatake nanaman ang mga sinasabing nangunguha ng bata. Dati ay naibalita na ang isang babae na nagtangkang pumasok sa isang bahay ay nahuli ng isang ama ng bata na tinangkang kuhanin, ngunit mayroon nanaman ngayon nahuli ng kapatid at kapitbahay ng bata na tinangka din kuhanin ng panibagong babae na naninirahan daw sa Las Pinas.

Ayon sa Facebook post ni Hanna Mie Marcelo, ibinahagi niya ang mukha at video ng babaeng nahuli at kinuwento niya kung paano muntik na makuha ang kanyang kapatid ng babae na nakilala sa pangalan na Lilibeth Entena Bastamante, 47-taon-gulang.

Ayon kay Marcelo, naliligo daw ang kanyang kapatid at ang kanyang mga pinsan sa labas ng kanilang bahay para pumasok na sa eskwelahan, nang biglang lumapit si Bastamante at sapilitan na hinila sa kamay ang kanyang kapatid para daw magpa-load sa malayong loading station.

Mainam na daw at may nakakita na kapitbahay nila at dumating ang kaniyang tiyahin kaya nasaklolohan ang kanyang kapatid.

Dinala kaagad asi Bastamante sa Baranagay, at doon ay ipinakita na modus din nila ang magbahay-bahay para magpapautang at paghinge ng abuloy sa patay para magmanman sa mga bahay.

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook

Dalawa daw silang magkasama noong oras na iyon, ngunit siya lang ang nahuli ng mga taong bayan.

Hindi katulad ng modus ng mga naka-van na nangunguha din ng bata at binebenta ang mga laman loob, ang istilo naman ng grupo ni Bastamante ay ibenta ang mga bata sa halagang P10,000 isa para gamitin sa cybersex, pornographiya at ginagawang prostitute ang mga bata.

Basahin at panoorin dito ang buong Facebook post ni Marcelo:

"BASAHIN PO PARA SAFETY NG MGA ANAK NYO NANGUNGUHA PO NG BATA NAHULI KANINA

Nangyari to kanina umaga around 11am itong babae na ito po nagbalak na kunin yung kapatid kong 10yrs. old ang tibay pa ng mukha nasa tapat lang ng bahay namin yung kapatid ko thanks lord at nakita ng kapitbahay namin na hinihila yung kapatid ko so ayun kwento ko po yung buong pangyayari.

Kaninang 11am po oras ng paghahanda ng kapatid at mga pinsan ko sa tapat sila ng bahay naliligo ng ganung oras kasi sa lugar namin hindi umaakyat sa bahay namin yung tubig nung oras na yon mag isa lang kapatid ko tapos paligo palang sya saktong dumating tong babaeng to hinawakan sa kamay ng mahigpit yung kapatid ko tapos sinasabi daw sa kanya nung babae na samahan sya magpaload sa malayong loading area sinagot sya ng kapatid ko na bakit sa malayo pa madaming magkakadikit na loadan sa lugar namin tapos dun na nya pilit na hinihila yung kapatid ko hindi daw sya nakasigaw sa kaba at takot (may trauma po kasi kapatid ko sa mga ganitong pangyayari dati pa nerbyosa kasi siya) tapos swerte kasi saktong lumabas yung kapitbahay namin tinanong nya yung babae kung ano ginagawa nya sa kapatid ko binitawan nya kapatid ko tapos umalis siya dun na naalarma kapitbahay ko nag check sya sa fb nya ng mga trending na nangunguha ng bata na nakapost at ayon huli si ate dati na syang nahuli nakalaya lang hinabol ngayon sya ng kapitbahay ko pero nakalayo na tapos saktong dumating yung tita ko galing canteen nya tapos tinanong sya nung kapitbahay namin if nakita ba yung babaeng to dahil nangunguha sya ng bata dun na nataranta si tita sinabi nya na kumakain daw sa canteen nya yung babaeng to at dun na nila na-corner at kamalasan ng babaeng to dahil may feeding program yung mga taga baranggay namin kaya nadampot agad sya at na safe agad yung mga bata na umuwi sa mga bahay bahay nila at ngayon sinasampahan na namin sya ng kaso panuorin nyo po sa ABS CBN news ipapalabas po nila yan, at isa pong REMINDER SA LAHAT NA KAHIT NA UMAGA UMAATAKE ANG MGA YAN HUMAHANAP LANG SILA NG TYEMPO NASA PALIGID NYO LANG SILA LAGI BE AWARE INGATAN ANG MGA ANAK NYO DAHIL GINAGAMIT DAW NILA YUNG MGA BATA PARA IBENTA NG 10K KADA ISANG BATA AT GAGAMITIN SA CYBERSEX, PORNOGRAPHY AT GINAGAWANG PROSTITUTE ANG MGA BATANG NAKUKUHA NILA.

INGAT PO GUYS INGATAN YUNG MGA ANAK NYO KUNG AYAW NYO UMIYAK NALANG DAHIL WALA KANG NAGAWA LAGI NYO SILANG I- BRIEFING MGA ANAK NYO NA WAG NA WAG NA SASAMA KAHIT ANONG MANGYARI SA KAHIT KANINO LANG.

P.S MODUS PO NILA NAGPAPAUTANG NG LENDING O KAYA ABULOY SA PATAY PERO HABANG GINAGAWA NILA YON NAG MAMANMAN NA SILA NG BATANG KUKUNIN.

SHAREEEEE PO NATIN PARA AWARE LAHAT.

NAME: LILIBETH ENTENA BASTAMANTE
AGE: 47 YRS. OLD
RESIDING AT MANUYO UNO LAS PINAS"



What can you say about this? 

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. 

For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post. 

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment