Breaking

Tuesday, February 12, 2019

Chinese national na nagsaboy ng taho sa pulis sa MRT: I really love Filipinos, I admit my mistake, give me another chance..."

Chinese national, huminge ng tawad at bigyan pa daw siya isa pang pagkakataon sa nagawang mali sa pulis. Imahe mula sa GMA

Nag-viral ang isang Chinese national na babae na si Jiale Zhang noong Sabado, matapos na sabuyan niya ng dala-dalang taho ang isang naka-uniporme na pulis na si PO1 William Cristobal.

Inaresto at dinala kaagad sa Mandaluyong police station si Zhang, matapos na harangin siya ng mga security guard sa MRT Boni Station matapos na bastusin ang pulis.

Sa panayam ng GMA News kay Zhang at sa abogada nito na si Sandra Respall, anim na taon na naninirahan si Zhang sa Pilipinas na isang fashion design student.

"Very minor omission that just went viral....it's a case where someone got emotional over an incident." ayon sa abogado ni Zhang.

Ayon kay Zhang, mahal niya ang Pilipinas pati ang mga Pilipino kaya nagtagal siya sa bansa, ayun nga  lang hindi maganda ang kanyang naging araw noong Sabado kaya nagawa niya yun sa pulis.

"I was in a bad mood and I was not able to control my emotions," sabi ni Jiale Zhang.

"I really admit the mistake I made, and I feel so regretful for it. I'm really, really sorry. And I really ask if it's possible to have another chance for me," dagdag niya.

Mahigpit na ipinatutupad ng mga awtoridad at ng DOTr ang pagbabawal sa anuman mang di bote o liquid na materyales sa loob ng MRT, dahil na din sa naganap na pambobomba sa Jolo, Sulu noong nakaraang Linggo.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar, na naunang nang nakausap at pinagsabihan si Jiale Zhang na pambabastos ang kanyang ginawa sa pulis, sinampahan na ito ng kasong direct assault, disobedience to agent of person in authority, and unjust vexation at pinag-aaralan pa kung idedeklara siyang "undesirable alien" at pababalikin na sa China.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMA


No comments:

Post a Comment