Breaking

Thursday, February 21, 2019

Clark airport, kumita ng PhP1 Billion sa ilalim ng administrasyong Duterte

Sa ilalim ng Pangulong Duterte, tumaas ang kita ng Clark Internationl Airport. Imahe mula sa PCOO at Inquirer

Sa kauna-unahang pagkakataon ay umani ng 'record breaking' na kita ang Clark International Airport Corporation (CIAC) simula ng itayo ito noong taong 1995. 

Ayon kay Jaime Alberto Melo, presidente ng Clark International Airport Corporation (CIAC) ngayon lang nila nalagpasan ang kita nito simula 2018 ang kanilang kita na PhP1-billion.



“Numbers of airlines, flights, destinations and business activities increased ever since President Rodrigo Duterte called for greater utilization of Clark Airport. The marketability of Clark Airport and the civil aviation complex were keys to achieving this milestone," ani ni Melo. 

Ayon pa kay Melo, tumaas ito ng 32% simula noong isang taon na may kaukulan kinita na PhP257.43 million karagdagan kita mula sa PhP814.115 noong isang taon. 



Sa tulong na din daw ni Transportation Secretary Arthur Tugade, tumaas ang kita nito dahil sa mga aeronautical at non-aeronautical na operasyon sa Clark Airport, ganun din sa  tulong ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na pinamumunuan ng kanilang presidente na si Vivencio Dizon.

“The continuing success of Clark Airport reflects the CIAC’s pursuit of higher standards of service for Filipinos. The challenge is to still do better and serve better,” ayon kay Secretary Tugade. 



Tinatayang mayroon 11,500 na pasahero sa Clark Airport araw-araw na lumilipad patungong domestic at international flights.

Sa ngayon ay nais pa mahigitan ng Clark International Airport Corporation (CIAC) ang bilang ng pasahero kada taon na mayroon 2.6 million na pasahero via Clark sa 4.5 million na bilang ng pasahero sa taong 2022. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

No comments:

Post a Comment