Breaking

Friday, February 8, 2019

Dalagitang nag-viral sa social media na natagpuan sa Cavite at puro sugat ang katawan, gawa-gawa lang pala!

PO2 Maria Pamela De Guzman, ikinuwento ang naging pag-amin ng dalagita na ginawa niya ang kwentong ito dahil sa hindi maibigay ng magulang ang gusto niya. Imahe mula sa Facebook

Dalagita na nag-viral noong isang araw sa social media ang pinost ng isang netizen na kung saan ibinahagi niya ang nangyari sa isang dalagita na lumapit sa kanila para magpasaklolo dahil sa dinukot daw ito ng van at ma-swerteng nakatakas at puro sugat ang katawan.

Ayon sa Facebook post ni Lace JC, nakilala ang dalagita na si Ica Perlado, residente ng Trece Martires City sa Cavite na humihinge ng tulong sa kaniya.



Ibinahagi ni Lace JC ang mensahe sa Facebook ng dalagita sa kanya.

“Mal tulungan mo ko may sumusunod sakin na lalake pa lowbat nako nasa trece ako natatakot ako, di ko alam gagawin ko.”

Ayon sa kwento, kahit na dinukot si Perlado ay nakakagamit pa din siya ng cellphone at nagtatago lang sa aparador kaya nagawa niyang e-message ang kaibigan.



Ang post ni Lace ay nagdulot ng pangamba sa mga residente ng Cavite, ganun din sa mga netizens na nakakakita ng kanyang post sa Facebook, dahil may marka sa katawan si Perlado na tila dinukot siya para kuhanan ng kidney dahil ang marka ay nasa bandang kanan ng kanyang tiyan.

Nagkaroon tuloy ng suspetya ang mga netizens na isa nanaman itong modus sa Cavite ng 'kidnap organ' na nagdulot ng pangamba sa mga magulang.




Ayun lamang, tila ang nag-viral na post sa Facebook na nagdulot ng pangamba ay "fake news". Dahil ayon sa PNP Trece Martires, habang iniimbestigahan nila ang kaso ni Perlado ay nakita sa CCTV na kasama ni Perlado ang kanyang mga kaibigan sa isang mall at sumakay sa van papuntang Amadeo na mag-isa.



“Nagpunta sila ng waltermart para mag videoke around 3 P.M, then after non mga 5pm lumabas na sila ng walter, hinatid na siya noong dalawang classmate niya sa sakayan ng bus.” ayon kay PO2 Maria Pamela De Guzman.

“Yung sinakyan niyang jeep, palabas ng trece,” dagdag niya.



Sa huli ay inamin ni Perlado na naglayas siya dahil hindi maibigay ng kanyang mga magulang ang mga materyal na bagay na kaniyang hinihiling.

“Hindi lang maibigay nung mga magulang niya yung mga material na bagay na hinihingi niya, nakikita niya sa mga kaibigan niya at napapagalitan daw siya ng mga magulang niya,” sabi ni PO2 De Guzman.

Inamin din ni Perlado na siya ang may gawa ng kanyang mga sugat na ipinakita sa social media ng isang netizen.



Sa ngayon ay nagka-counselling si Perlado para masolusyunan ang problema sa pamilya. Pinaalalahanan naman ng PNP Trece Martires sa mga netizens na walang magulang ang gustong may mangyaring masama sa kanilang mga anak.

Panoorin ang ulat mula NewsTV5 dito:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: News5

No comments:

Post a Comment