Breaking

Sunday, February 24, 2019

Dating PBA player, huli sa drug buy bust operation sa Iloilo

Harmon Codiñera, hui sa buy-bust operation sa Iloilo. Imahe mula sa Bombo Radyo

Timbog sa isang operasyon ng mga kapulisan sa Barangay Tabucan, Barotac Nuevo, Iloilo si dating basketbolista sa PBA na si Harmon Codiñera. 

Si Harmon Codiñera ay kapatid ni Jerry Codiñera na dating PBA (Philippine Basketball Association) player at naglalaro sa limang teams sa PBA kabilang na ang Purefoods kung saan sila nagkasama ng kapatid na si Jerry.





Tinatayang may halagang P20,000 ang nakuhang walong sachet ng shabu kay Harmon Codiñera, 55-taon-gulang at kasalukuyang sports utility worker at stay-in sa training center sa Barotac Nuevo, Iloilo.


Itinanggi ni Harmon Codiñera na siya ay nagbebenta ng droga, ngunit inamin niya na siya ay gumagamit lamang at kinukuha pa ang droga sa Bacolod City.

Imahe mula sa Bombo Radyo 

Imahe mula sa Bombo Radyo 


Imahe mula sa Bombo Radyo 

Si Harmon Codiñera ay nagretire noong 1999 sa PBA at kasalukuyang nagtuturo ng basketball sa mga basketball teams sa Barotac Nuevo, Iloilo.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Bombo Radyo

No comments:

Post a Comment