Breaking

Wednesday, February 6, 2019

DENR, babakuran ang Manila Bay mula U.S. Embassy hanggang Manila Yacht Club

Imahe mula sa ABS-CBN at CNN Philippines
Sa mga susunod na araw ay sisimulan na ng Department of Environment and Natural Resources na maglagay ng bakod sa boardwalk ng Manila Bay sa Roxas Boulevard na parte ng rehabilitasyon ng Manila Bay. 

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, bukas pa din naman daw ang Manila Bay sa lahat para masaksihan ang sunset. Ayun nga lang, lalagyan na ito ng bakod na kung saan hindi na maari makapasok ang mga nagnanais na maligo sa dagat. 



“The baywalk will be open. Mababa lang naman ‘yung fence, four feet lang. Makikita pa rin ‘yung sunset, makikita pa rin ‘yung dagat. Hindi ka lang puwedeng makapasok,” saad ni Environmental Sec. Cimatu.

Ito ay matapos na may 11-taon gulang na bata ang nalunod matapos na maligo sa Manila Bay. Agad naman itong naitakbo sa Ospital ng Maynila, ayun nga lang kailangan pa itong observabahan at ngayon at naka-confine pa din sa ospital dahil sa coliform na nakita sa bata. 



Noong Linggo, ay nagmistulang beach resort ang Manila Bay dahil sa dami ng tao na nag-swimming at naglatag para mag-picnic sa baybayin ng dagat. 

Muling nagpaalala si Cimatu sa publiko na hindi pa din ligtas sa pag-swimming ang Manila Bay. 

Ang layunin ng DENR ay mabawasan ang coliform level sa Manila Bay na mayroon 330 million na bilang ng coliform sa 100 milliliters, na kung saan layunin nila na maging 270 MPN per 100 ml ito pababa. 

Ayon sa Department of Health, ang pinaka-safe level ng coliform ay dapat nasa 100 MPN per 100 ml pababa. Kaya napakatagal pang proseso ang pagdadaanan at maraming linis pa ang dapat gawin sa Manila Bay para maging malinis ang tubig sa look. 

Noong isang linggo, nagbabala ang DOH sa mga sakit na maaring makuha sa paliligo sa Manila Bay. Ang mga sakit katulad ng waterborne at gastrointestinal diseases katulad ng diarrhea, cholera, typhoid, dysentery, sakit sa balat at infection sa mata ang maaaring makuha ng mga naliligo sa Manila Bay. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar


No comments:

Post a Comment