Breaking

Friday, February 22, 2019

DILG, naglabas ng 'watchlist' sa 349 na opisyal ng gobyerno na diumano mga financier ng NPA

DILG Secretary Eduardo Año, naglabas ng listahan ng mga nagpopondo diumano sa NPA. Imahe mula sa PhilStar

Nakatutok ang Department of Interior and Local Government sa 349 national at local na opisyal ng gobyerno na diumano ay nagbibigay ng pondo sa Communist Party of the Philippines at ang mga armadong grupo ng  New People's Army na nagtatago sa mga kabundukan. 

Ibinunyag ni Interior Secretary Eduardo Año kahapon na mayroon silang hawak na  "watchlist" sa mga politiko na nagbibigay ng pondo sa mga communist groups para sa mag-rally at lumaban sa gobyerno. 



Hindi pa pinapangalanan ni DILG Secretary Año "watchlist" ngunit ang sabi niya ay kabilang ang 11 provincial governors, 5 vice governors, 10 provincial board members, 55 mayors, 21 vice mayors, at 41 na konsehal. 

Sa 349 na opisyal ng gobyerno na nasa listahan nila, meron din 126 barangay chairmen, 50 barangay councilors, at 8 barangay officials ang bumubuo sa bilang na nasa "watchlist" nila. 

Mayroon din mga dating local government unit officials ang nasa listahan, 10 incumbent representatives, at isang former representative. 



"We now have a watchlist, we know you. So if you are supporting communist rebels, in any way, you ascertain yourself as a supporter of terrorism and an enemy of the state, you establish yourself as an accomplice to their cause," Ano said in a statement.

"We cannot win the war against terrorism if these local officials continue funding the very source of terrorism in the first place." ani ni Año.


Ayon sa report ni Año, naka-kolekta ang mga komunistang grupo simula 2016 ng halagang ₱195.5 million. 

Binalaan ni DILG Secretary Año ang sino man kandidato sa darating na eleksyon, na huwag na huwag magbibigay ng ano man tulong sa mga rebelde. 

"I encouraged all candidates to steer clear of "directly or indirectly giving" financial or material support to the CPP-NPA."



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: CNN Philippines

No comments:

Post a Comment