Breaking

Thursday, February 21, 2019

DPWH: NLEX Harbor Link Segment 10, malapit na buksan sa publiko!

Sa ilalim nanaman ni Pangulong Duterte, bubuksan ang NLEX Harbor Link Segment 10. Imahe mula sa PCOO at Inquirer

Kahapon ay pinangunahan ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President Rodrigo Franco at NLEX Corporation President Luigi Bautista ay pag conduct ng dry-run sa pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10 mula Karuhatan, Valenzuela City patungo sa Caloocan Interchange C3 Road, Caloocan City sa Pebrero 26.

Ayon kay Sec. Mark Villar magbibigay daan ito sa mga motorista para mabawasan ang trapiko sa Metro Manila. Madali ng makakarating ang mga pupunta mula Central at North Luzon provinces patungo sa  Valenzuela City, Quezon City at Maynila. 



“The NLEX Harbor Link Segment 10 will be a traffic game changer since this will drastically cut travel time from port area to NLEX,” ayon kay DPWH Secretary Villar. 

“Once opened, around 30,000 vehicles daily will be diverted away from busy roads in Metro Manila.” dagdag niya. 

Ayon pa kay Villar, makakatulong din ang NLEX Harbor Link Segment 10 sa mga motorista na nagtitipid ng gasolina para makarating sa kanila pupuntahan sa Maynila, dahil malakas kumonsumo ng gasolina ang matinding trapiko sa Maynila. 



“In a recent JICA study, traffic congestion in Metro Manila is costing the country P3.5 billion a day. This new road will be a big boost to our economy as billions of pesos will be saved annually with the improved travel time,”  ayon kay Villar. 

Bukod sa makakatipid ang mga motorista sa gasolina, malaking tulong din daw ang NLEX Harbor Link Segment 10 sa mga malalaking truck na patungong Maynila lalo na kapag mayroon 'truck ban'. At ang resulta din daw nito, madedeliver na nila ng mabilis ang kanilang dalang kargamento at produkto. Hindi ganun tataas ang presyo ng bilihin bukod sa krudo na kinokonsumo dahil sa trapiko sa Maynila. 



Bukod sa pagpapabilis ng byahe patungong Metro Manila, ani ni NLEX Corporation President and General Manager Luigi Bautista makakapagbigay pa ito ng mga trabaho para sa mga malalapit na komunidad. 

“Aside from connecting NLEX to key areas in Metro Manila, the NLEX Harbor Link Segment 10 is seen to bring more opportunities in nearby communities such as generation of employment and increase in land values.” ani ni NLEX Corporation President Luigi Bautista.

Para naman kay Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President Rodrigo Franco, tutulong sila sa gobyerno para lalo pa mapaunlad ang mga program nito na magduduktong sa North and South Express way. 

“Metro Pacific remains committed in supporting the government in its infrastructure projects to improve accessibility between airports, seaports, and growth corridors in both the north and south.” ani ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President Rodrigo Franco. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Philippine Information Agency

No comments:

Post a Comment