Breaking

Saturday, February 2, 2019

Harry Roque, hindi na tatakbo bilang Senador: "Ikinalulungkot ko pong sabihin na akin pong inaatras ang aking pagtakbo bilang senador"

Imahe mula sa Facebook
Dating Presidential Spokesperson Harry Roque at tumatakbong Senador ay opisyal na nagbigay ng pahayag ng pag-urong niya sa pagtakbo bilang Senador sa May 2019 elections, dahil sa mas iniisip niya ang kapakanan ng kanyang kalusugan para mas makapaglingkod pa sa publiko kahit wala siya posisyon.

Ayon sa post ni Roque sa Facebook ay meron siyang pinagdaanan na operasyon sa puso at kasama ang kaniyang buong pamilya ay napilitan siyang harapin ang katotohanan sa kanyang kalusugan, mula sa operasyon niya sa puso.

Basahin dito ang kanyang buong post:

"Ikinalulungkot ko pong sabihin na akin pong inaatras ang aking pagtakbo bilang senador.

Kamakailan, ako ay sumailalim sa isang operasyon sa aking puso (percutaneous coronary intervention). At sa huling mga araw, kasama ang aking pamilya, ako ay napilitang harapin ang katotohanan ng aking pisikal na sitwasyon, at kung ano ang ibig sabihin nito para sa aking mga hangarin sa paglilingkod sa publiko.

Nais kong pasalamatan ang lahat ng sumuporta sa aking kandidatura. Tumakbo ako para maging senador dahil gusto kong maglingkod sa isang paraan na alam kong magiging epektibo ako. Anuman ang maaaring isipin ng iba ukol sa aking pulitika, ang mga nakakita sa aking trabaho sa parehong pampubliko at pribadong sektor ay maaaring magpatunay sa kung ano ang nais kong dalhin sa Senado. Sa kasamaang palad, sa sandaling ito, mukhang may iba pang mga plano ang Diyos.

Ako po ay umaasa na muling darating para sa akin ang karangalan na maglingkod sa mamamayang Pilipino bilang isang mambabatas, o sa anumang iba pang kapasidad na maaari akong maglingkod. Asahan po ninyong magpapatuloy ang ating suporta sa Pangulo at administrasyon na ito, dahil ang nais po lamang natin ang ikabubuti ng ating bansa.

Pagpalain tayo ng Diyos! Maraming Salamat po."




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook



No comments:

Post a Comment