Breaking

Monday, February 18, 2019

Iranian, inaresto dahil pinaso ng sigarilyo ang isang pulis sa Puerto Galera

Babaeng Iranian, kulong ang inabot dahil sa pambabastos sa pulis. Imahe mula sa Facebook

Mahigit na isang linggo palang ang nakakalipas, matapos na ang isang Chinese national na babae ay nagtapon ng taho sa isang pulis sa MRT.

Ngayon naman ay may isang Iranian na babae na kasalukuyang humaharap sa kasong 'direct assault' matapos na siya ay diumano'y nanuntok at nanipa sa isang pulis at sinunog ang kanyang kaliwang kamay gamit ang isang sigarilyo.



Ayon sa isang ulat mula sa Puerto Galera Municipal Police Station, noong Lunes, ang mga kawani nito ay tumanggap ng tawag mula sa chairman ng Barangay Tabinay tungkol sa isang Iranian national na diumano'y nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang barangay noong Linggo.

Ang babae, na naiulat na lasing, ay sinasabing wala ang kanyang damit sa publiko. Ayon kay Chief Inspector Dominador Madrid III, pinuno ng Puerto Galera Municipal Police Station.



Kinilala na si Fereshteh Najafi Marbouyeh, 31-taon gulang at dinala siya sa istasyon ng pulis para sa pagsisiyasat.

Gayunpaman, ang suspek ay naging agresibo, at nanginginig at nanlilisik ang mga mata sa mga pulis.

“Nirerecord sa blotter kasi imbestigador si PO2 Mangarin. Habang nagsusulat po siya bigla siyang sinipa. Nagsisigaw doon sa loob ng istasyon tapos sinipa siya tapos pinaso pa siya ng sigarilyo,” Madrid said, referring to Police Officer 2 Ferr Henrick Mangarin.

Kasalukuyan na nakapiit ngayon sa Puerto Galera Municipal Police Station si Marbouyeh at nakaharap sa isang kaso ng 'direct assault' sa isang tao na may awtoridad.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment