Breaking

Sunday, February 3, 2019

Isang ama, nagbigay ng babala sa mga magulang dahil nakalunok ng pardible ang kanyang baby

Imahe mula sa Facebook

Ibinahagi ng isang netizen sa kanyang Fabook post ang nangyari sa kanyang baby, matapos na isugod ang kanilang sanggol sa ospital noong February 1, 2019.

Ayon kay Arvin Cristopher Martin, ipinakita niya ang pardible na nakita sa x-ray ng kanyang baby dahil nagtataka sila paano nalunok ang pardible na kung saan maari itong makabutas ng bituka ng kanilang baby.



"Eto po yung nakita sa X-RAY ni baby😥😢😭paano mo nalunok yan baby🤦🏻‍♂️at ang mahirap pa dun nakaBUKAS😞😰buti hindi nagkabutas butas bituka mo bunso😔😕🙁

Pasalamat nalang tayo kay papa god at naging maayos ang lahat at nakaraos din ng maluwalhati☝🏻⛪️👼🏻🙏🏻😇

Problema nalang paano tayo uuwe🤦🏻‍♂️wala tayong pambayad😥😭hingi ka bunso kay guardian angel mo naway may magbigay satin ng kahit kaunting tulong🙌🏻maraming salamat po!"




Kaya naman pinayuhan ni Martin ang mga magulang, dahil walang sintomas ng pag-iyak o pagsusuka ang nakita sa kanilang baby bago nila dalhin sa ospital, nagtaka na lamang sila nasaan ang pardible na nakalagay sa damit ng kanilang baby na may kulay pula na sinasabing pantanggal usog.

Mainam daw na hangga't maari, ilayo ang mga bagay na maaaring maisubo ng inyong mga baby para mailayo sila sa ano man hindi magandang pangyayari.



"Sa lahat po ng may tanong kung paano namin nalaman na may nalunok na si baby na kung ano mang object like pin/perdible/thumbtacks karayom/coin etc. sa case po ni baby kyrie ang napansin po namin kahit na wala syang nararamdaman hindi umiiyak o nagsuka ng kahit ano dugo o kung ano man yung nakain nya wala po kayong makikitang kahit anong sign kasi masigla naman po si baby kyrie at hindi nagiiyak, ang mainam nalang pong paraan para makasigurado hanaping mabuti yung mga bagay na nilalaro nya madalas o yung mga accessories sa kamay tshirt tulad po nung sa kanya yung kontra bales na kulay red na may perdible, bali yun pong perdible ang nalunok nya,kaya mahirap nadin pong maniwala sa mga usog/bales o anumang pamahiin na yan kung ang magiging kapalit naman nito ay kapahamakan ng inyong mga anak, ang mainam nalang pong gawin at mag focus sa mga baby wag hayaang maiwang mag-isa dahil at iwasang maglagay ng kung anumang bagay sa tabi o maaabot nya! Yun lang po at naway may naishare po kaming konting kaalaman para sa ikakabuti ng ating mga anak. Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at sa mga gustong tumulong☝🏻⛪️🙌🏻🙏🏻👼🏻😇 godbless"







What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment