Breaking

Monday, February 4, 2019

Isang binatilyo, pinag-community service ng MMDA dahil nagtapon ng balat ng ice candy sa Manila Bay

Imahe mula sa Facebook

Sa gitna ng patuloy na rehabilitasyon ng Manila Bay, isang binata ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Pebrero 4 na nagtatapon ng maliit na plastic ng ice candy. 

Bilang parusa ay kailangan mag-community service o magbayad ng Php500.00 ang binata bilang kaparusahan sa nagawang pagkakalat sa nililinis na Manila Bay. 



Ayon sa post ni Jen Calimon ng TV5, nakuhanan niya ang MMDA na namimigay ng flyers sa mga tao sa paligid ng Manila Bay, bilang paalala sa lahat na mayroon 'littering policy' ang sino man lalabag sa MMDA Regulation No. 96-009.

Sa flyers ay nakasaad ang mga panuntunan bago parusahan ang sino man magkakalat at mahuhuling magdudumi sa kasalukuyang nililinis na Manila Bay. 



Ayon sa mga alituntunin, itapon ang anumang uri ng basura, kahit isang maliit na piraso ng plastik pa yan at ang sino man mahuhuli ay maaaring parusahan ng communit service.

Ang binatilyo ay maaaring parusahan ng community service ng walong oras at kailangan ding magbayad ng P500.






Panoorin ang pamimigay ng flyers ng MMDA bilang pagpapaalala sa lahat ng turista na nagnanais saksihan ang pagbabago sa Manila Bay.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment