Breaking

Friday, February 8, 2019

Isang pulis, mas pinili na mag-resign kaysa magpa-assign sa Mindanao

Tila hindi na nakayanan ng isang pulis ang pagsabak sa giyera. Imahe mula sa Philippine Star
Hindi lang sundalo ang ipinapadala sa Mindanao, dahil sa kaguluhan doon kundi ang mga kapulisan din. Parte ito ng kanilang trabaho at sinumpaan sa bayan.

Ngunit, hindi pumayag ang isang alagad ng batas na si Police Officer 3 (PO3) Karl Belandres Osorio na nag-resign noong Pebrero 1, 2019 dahil sa ayaw niyang pumayag na magpa-assign doon. 



Ayon kay Chief Supt. Debold Sinas, Police Regional Office 7 (Central Visayas) Director, hindi pumayag si PO3 Osorio na magpa-deploy sa Mindanao para siguraduhin na walang kaguluhan ang plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL). 

Si PO3 Osorio ay taga Dalaguete, Cebu, at miyembro ng  Regional Mobile Force Battalion - Central Visayas.



Ayon pa kay Chief Supt. Debold Sinas, sasapi sana si Osorio sa 300 kaoperatiba ng Philippine National Police (PNP) na ipapadala sa Lanao del Norte para lamang gumabay at siguraduhin ang seguridad ng plebisito. 

“We conducted an accounting of our troops’ movement, he really refused to join,” ayon kay Sinas.

“We have to remind our policemen that this is part of our job. We assured our police in PRO-7 to give them updates of their colleagues,” 

Dagdag pa ni Sinas na ang ginawa ni Osorio ay makaka-apekto sa morale ng mga kapulisan. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PNA



No comments:

Post a Comment