Breaking

Tuesday, February 26, 2019

Jiggy Manicad, may payo sa mga journalists: "Kung wala kang tinatago, kahit 10 President Duterte pa ang manakot, bakit tayo matatakot?

Jiggy Manicad, may mensahe para may Maria Ressa ng Rappler. Imahe mula sa ABS-CBN at Abante

Senatorial candidate at beteranong journalist ng 23-taon Jiggy Manicad sumalang sa isang interview sa programa ng ANC Headstart.

Tinanong si Manicad kung ano ang maipapayo niya sa mga kapwa niya journalists, lalo na sa kaso na kinakaharap ni Maria Ressa , CEO ng Rappler. 



Ayon kay Manicad, hindi kailangan matakot ng mga journalists lalo na kung 'impartial, apolitical, fair, at truthful' ang pagbabalita kahit pa daw 10 Duterte ang dumating, kung mayroon intergridad ang isang mamahayag, hindi dapat ito matakot. 

"As long as we are on the side of the truth, truth lang ang pinanghahawakan natin, we are impartial, we are apolitical, we are fair, we are truthful in our reporting, kahit 10 President Duterte pa ang manakot, bakit tayo matatakot? Bakit tayo matatakot if we are on the side of the truth? Pero kung meron tayong...skeletons diyan, medyo aatras tayo."



"Kung wala kang tinatago...nandun 'yung integrity mo, 'yun ang panlaban mo, pambangga mo kahit sinong dictator man or tyrant man." sabi ni Manicad. 

May payo din siya kay Maria Ressa, tungkol sa kasong cyber libel na kinakaharap nito. 

Ayon kay Manicad, kung siya daw ang naging reporter ng istorya, aalamin niya daw sa 'intel report' bago siya maglabas ng istorya. 



"If I were the reporter, Day 1 sasabihin ko muna sa source ng intel report, can you release that? Can you have that declassified? Kung hindi, I will find a way to release 'yung intel report na yun. That is the basis of the story, may intel report supposedly saying Mr. Keng did something illegal," he said.

"Kailangan mailabas 'yun para ma appreciate ng publiko at ma appreciate ng iba na ito 'yung pinag-uusapan."

Nang tanungin din si Manicad tungkol sa kanyang opinyon kung nawawala ba ang 'press freedom' sa ilalim ng administrasyong Duterte?



Ito ang masasabi niya, "As long as we can say whatever we want, pwede nating mapakinggan gusto nating mapakinggan, pwede nating mapanood ang gusto nating mapanood, social media kahit ano gawin sa atin pwede nilang gawin, I think ang press freedom nandun."


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment