Breaking

Sunday, February 17, 2019

Kapatid ni Marian Santiago, nagsalita na: "Sana tigilan na po natin ang kakashare and just move on..."

Kapatid ni Marian Santiago, nagbigay ng pahayag sa ginawa ng mister. Imahe mula sa Facebook
Nag-trending sa social media ang kwento ni Marian Santiago-Barte at ang kanyang naging karanasan sa nangaliwa niya diumano na mister na si Nathan Barte na kasalukuyang nasa Alaska, U.S.A. 

Ayon sa post ni Marian sa Facebook, ibinahagi niya ang masasayang oras nila ng kanyang mister, simula ng sila ay magkakakilala noong siya ay estudyante palang, hanggang sa magkaroon sila ng isang anghel na ang pangalan ay Sophia. 

Sa post ni Marian, ibinahagi niya kung paano siya nasaktan sa ginawa ng mister dahil ipinagpalit siya sa isang babae na tinawag niyang "bulldog" dahil sa physical na anyo nito. 

Naging usap-usapan ang kanyang ibinahaging kwento, kaya naman mabilis na sinagot ito ni Maggie de Jesus, ang sinasabing kalaguyo ni Nathan sa ibang bansa. Inamin ni Maggie, na naging marupok siya at pinatulan ang mister ni Marian.

Kaya naman, matapos na mag-viral sa Facebook ang post ni Marian, ay hindi na nagpapigil na mag-komento ang kanyang kapatid na si Mark Santiago. 

Dahil sa marami ang nagtatanong, kung magka-ano ano si Mark at Marian, sinabi nito sa kanyang Facebook post na sila ay magkapatid at nagpabatid ng mensahe sa mga netizens.

“To all my friends: Just to answer all your questions and confirmations, yes po sister ko po si Marian Santiago. All I am requesting po is sana tigilan na po natin kakashare. Sana din po ay kalimutan nalang din natin ang issue and just move on. Marian Santiago I got your back Sissy!”



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment