Breaking

Wednesday, February 27, 2019

Kaso ni Kris Aquino kay Nicko Falcis, ibinasura ng prosecutor! Walang basehan at kulang sa ebidensya.

Mensahe ni Kris Aquino, sa mga kaso isinampa niya kay Nicko Falcis. Imahe mula sa Facebook/Inquirer

Sa pangunguna ng desisyon ni Senior Asst. City Prosecutor Aileen C. Sabare ay dinismiss ang kaso na isinampa ng beterang actress na si Kris Aquino sa kanyang dating talent and business manager na si Nicko Falcis.

Ayon sa naging desisyon ng prosecutor, ang kaso na isinampa ng kampo ni Kris Aquino na 'Qualified theft and violation of the Access Device Law' ay nagkulang sa paghahain ng ebidensiya sa kanilang kampo.



Ang paglabag sa Republic 8484 or the Access Devices Regulation Act of 1998 ay pinawalang bisa dahil sa "voluntary" na ibinigay ni Aquino kay Falcis ang credit card na ginamit sa pagbili sa Lucendi Pasig at Toby Estates Pasig.

Ang P129,680 na 'unauthorized charges' na sinasabi ni Aquino na ginamit diumano ni Falcis sa pagbili bili sa nasabing establisyimento ay para din sa kompanya ni Kris.



Basahin ang naging decision ng prosecution:

"It appears that the credit card used by respondent was neither stolen, lost, expired, revoked, cancelled, suspended or obtained with intent to defraud,"

"The credit card was voluntarily issued to respondent under his name."

"Thus, when the respondent used the credit card for purchases at Lucendi and Toby's Estate in Pasig City, the credit card cannot be considered as unauthorized within the tenets cited by law."

Bukod sa mga kasong ito na isinampa ni Aquino kay Falcis, may dinismiss din ito na reklamo mula sa 44 counts ng 'qualified theft' na isinampa ni Aquino kay Falcis sa  Mandaluyong, San Juan, Taguig, Pasig, Makati, Manila at Quezon City.

Tinatayang P1.2 million diumano ang ginastos ni Falcis para sa pansariling kapakinabangan daw.

Samantala, nagkaroon ng media interview si Kris Aquino sa Pasig prosecutor's office at nagbigay ito ng komento sa pangyayari.

Hindi na daw niya dapat ginamit ang social media para sa kanilang naging away ni Falcis, bagkus ginawa niya na lamang daw sana kasuhan kaagad si Falcis.

Humingi din siya ng tawad sa mga tao na naapektuhan sa nangyari, lalong-lalo na ang kanyang mga anak dahil sa ginawa niyang hindi magandang halimbawa sa mga ito.

Panoorin ang maikling statement ni Kris Aquino dito:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMA

No comments:

Post a Comment