Breaking

Wednesday, February 27, 2019

Kris Aquino, masama ang loob kay Bong Go dahil sa "Ipe Joke" nito: "Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO."

Bong Go, nag-joke. Hindi nagustuhan ni Kris Aquino. Imahe mula sa Politiko

Nag-post sa kanyang Instagram ang beteranang personalidad sa telebisyon na si Kris Aquino, ng kanyang saloobin sa naging pabirong mensahe ni senatorial candidate Bong GO, tungkol sa nakaraan ni Kris.

Sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN), biniro ni Go ang dating ka-relasyon ni Kris Aquino na si Philip Salvador at sinabing "Naloko mo nga si Kris Aquino".

Ayon kay Kris, tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali noon, dahil si Salvador ang ama ng kanyang panganay na si Josh. Ngunit, ng magtawanan ang mga tao ay malaking sampal daw ito kay Kris.

Basahin ang sabi ni Go, sa video:

"Si Ipe parati ko po itong kasama dahil kaibigan talaga namin ni Pangulo at unofficially po kung meron po kayong nagawang kabutihan sa isang siyudad, ina-adopt po siya bilang adopted son of the city. Pero si Ipe po kakaiba 'yung recognition na binigay sa kaniya, adopted father of Davao City po siya kasi po nag--iwan po siya ng apat na anak sa Davao...."

"Totoo naman eh... naloko mo nga si Kris Aquino eh." sabi ni Go habang nangangampanya.

Sa video na pinost ni Kris sa kanyang Instagram, sinabi niya na nasaktan siya sa ginawa ni Bong Go sa kanya. Wala naman daw siya ginagawa kay Go na sinabihan niyang 'sure winner' sa darating na eleksyon.

Basahin ang buong Instagram post ni Kris dito:

"So much hurt deeply in the past few days. i was shown this video while in 🇯🇵 and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko- panindigan mo na good sport ka... i was doing a #konmari on my phone & lumabas yung video...pinanuod ko ulit.

Yun ang pagkakamali ko, may black eye nung Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako.

Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. i have only had good words for you pero sana sa paglilingkod nyo para sa mga Pilipino bilang Senador (i know you are a SURE WINNER), sana priority nyo rin po ang mga kababaihan. Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?

Sorry ha- minalas- nandun kasi yung “NALOKO”... nakadapa na po, nung pinanuod ulit at narinig yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya."


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Instagram

No comments:

Post a Comment