Breaking

Saturday, February 9, 2019

LOOK: Chinese national, inaresto matapos sabuyan ng taho ang pulis sa MRT Boni Station

Kinilalang si Jiale Zhang, 23-taon-gulang ang Chinese national na nagsaboy ng taho sa police officer sa MRT Boni Station. Imahe mula sa Facebook
Isang babae na napag-alamanan na Chinese national ang dinala sa PNP Mandaluyong, dahil sinabuyan ng dayuhan ang isang pulis ng dala niyang taho noong hinarang siya sa MRT Boni Station.

Sunubukan daw ipaliwanag ng naturang pulis na nakilalang si PO1 William Cristobal ang bagong direktiba laban sa pagdadala ng liquid items sa mga istasyon ng LRT at MRT, ngunit nagalit umano ang suspek.

Nakilala ang Chinese national na si Jiale Zhang, 23-taon-gulang.



Nitong linggo lamang, ay naglabas ng statement ang Department of Transportation sa pagbabawal sa mga commuters ng MRT ang pagdadala ng mga bottled water at liquids dahil iniiwasan ang hindi magandang mangyari dahil sa pambobomba sa Jolo, Sulu.

Sa post ng isang netizen sa Facebook, sadyang ibinato ng dayuhan ang hawak niyang taho sa police officer dahil ayaw niyang papasukin ng MRT station.



"Sinita ka dhil bawal n mga DRINKS or any form of liquid sa MRT. Isa kang dayuhan mam, hindi ka mrunong rumespeto sna mahuli ka at ikulong. Mhnap kita ggwin ko yn sau. Hnd ggnti sau c Sir kasi maximum tolerance pa din, ipinahiya m cia ng sobra."



Nagpaalala naman ang Department of Transportation - Philippines na respetuhin ang mga pulis at mga itinalagang mag-inspect ng mga gamit ng sumasakay sa MRT, dahil sa kaligtasan lamang ng ahensya ang iniisip nila.



Sa ngayon ay dinala ang Chinese national sa police community precinct sa Mandaluyong City at nakaharap si  NCRPO director Guillermo Eleazar para sa incident report sa maaaring ikaso sa Chinese national na "disobedience or unjust vexation".



Imahe mula sa Mandaluyong PNP



Imahe mula sa Mandaluyong PNP
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment