Breaking

Wednesday, February 13, 2019

LOOK: Chinese national na nagsaboy ng taho sa pulis, nagpumiglas sa mga tauhan ng Bureau of Immigration

Chinese national student na nagsaboy ng taho sa pulis sa MRT Station, dinampot ng taga Bureau of Immigration. Imahe mula sa Facebook

Matapos na arestuhin ng mga awtoridad ang nag-viral na Chinese national student na si Zhang Jiale, ay nagpumiglas at nagsisigaw ito sa Mandaluyong police station dahil sa takot diumano sa mga tauhan ng Bureau of Immigration.

Dinala ng Immigration intelligence officers si  Zhang Jiale, Martes ng gabi sa Mission Order ni Commissioner Jaime Morente, BI Spokesperson Dana Sandoval.



Dinala si Zhang Jiale sa BI Warden Facility ng Camp Bagong Diwa, sa Taguig.

Ayon sa BI, si Zhang ay dinampot ng mga tauhan ng NBI dahil sa paglabag sa Section 37 (a)(7) ng Immigration Act bilang Chinese student si Zhang at maaari siyang ipa-deport.



“She has a pending deportation case already,” Sandoval said, adding that the incident with the cop “showed her disrespect towards persons of authority, which in turn shows her disrespect to the country.”

Kahit ang mga Philippine National Police ay nagsampa ng assault charges laban kay Zhang.



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment