Breaking

Monday, February 11, 2019

Mga arabo at iba pang dayuhan militante, dumating sa Sulu

Mga banyaga na terrorista, dumating sa Sulu. Imahe mula sa The Philippine Star

Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman ang nagbigay ng impormasyon kay Interior Secretary Eduardo Año and Defense Secretary Delfin Lorenzana na mayroon mga grupo ng mga banyagang militante na dumating sa Sulu at iba pang bahagi ng Southern Mindanao. 

Ayon kay Gov. Hataman,  ang impormasyon na ito ay para maging alerto ang publiko sa banta ng mga banyagang terrorista na dumating sa Sulu at ibang parte din ng Central Mindanao. 

Noong Enero 27, may mga namataan na mag-asawang Indonesian suicide bombers na umatake sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu. 

Ayon sa Philippine National Police (PNP) nasa custodiya na nila ang limang suspect sa pambobomba. 

Isa sa mga suspect na si Hatib Hajan Sawadjaan, leader ng  Ajang-Ajang, sub-group ng Abu Sayyaf sa Patikul, ang nag-escort sa mag-asawang Indonesian suicide bombers. 

Ang ginamit na bomba sa pagsabog sa Cathedral sa Jolo, Sulu ay parehas ng bomba na ginamit ni Mohammad Ajul noong May 2016. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar


No comments:

Post a Comment