Breaking

Monday, February 18, 2019

MRT3 commuters, maari ng magdala ng bote na may laman na liquid na hindi tataas sa 100ml

Libo-libong bote na may liquido ang nakumpiska sa MRT- North Edsa pa lamang. Image mula sa GMA

Noong mga nakaraang Linggo, ay maraming nainis na pasahero ng MRT dahil sa walang pasabi ang Metro Rail Transit (MRT3) na bawal magdala ng mga bote na may laman na hihigit sa 100ml. 

Naging viral din ang isang Chinese woman na may dalang taho, dahil pinigilan siya ng isang pulis sa pagpasok sa MRT Boni Station, dahil bawal ang magpasok ng ano man inumin na walang takip dahil maaaring pagmulan ito ng away sa loob ng tren. 

Kaya naman, simula Enero 14 ay maaari ng  magdala ng bote na may laman na liquid ang mga pasahero na sasakay ng MRT3.

Naging banta ng terrorismo ang naging dahilan kaya ipinagbawal ang pagpasok ng bote na may laman liquid sa MRT, dahil iniiwasan ng mga awtoridad na maulet ang 'Rizal Day bombing', labing-siyam na taon ang nakalipas. Dahil din sa naging pagsabog sa Jolo, Sulu kaya ipinagbawal ang pagpasok ng mga bote na maaaring maging sangkap ng bomba. 

Sa mga motorista na nakuhanan ng gamit, maari na itong balikan sa MRT station dahil mayroon naman petsa at mga impormasyon ang nakalagay sa may-ari para sakaling balikan pa nila ang mga ito. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMA

No comments:

Post a Comment