Breaking

Wednesday, February 27, 2019

Nakakabahala na! Grade 6 student, tinapos ang buhay dahil sa 50-day challenge App mula sa ibang bansa

Ina ng isang menor de edad, naisip na ang online game ang naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang anak. Imahe mula sa YouTube
Isa nanaman na kaso ng pagkitil ng buhay ng isang menor de edad ang usap-usapan ngayon sa social media. 

Si Clyde Jasper Santos, 11-taon gulang ay tinapos ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng 'gout' medicine. 

Si CJ, graduating na sa Grade 6, sa Marso ay hindi na muling makikita at makakasama ng kanyang mga kaklase at mahal sa buhay dahil sa nagpakatiwakal ang bata noong Huwebes lamang, Pebrero 21. 



Ayon sa kwento ng kanyang ama na si Rene Florendo, dinala sa clinic ng paaralan ang kanyang anak dahil sa namimilipit sa sakit sa tiyan si CJ. Makalipas ang ilang oras ay sumakit na din pati ang likod nito dahil sa 20-tableta ng gout medicine ang ininom ng bata. 

Dinala daw si CJ sa malapit na ospital, ngunit walang toxicologist at napilitan na dalhin ang bata sa East Avenue Medical Clinic.

Ngunit, dahil nga ba sa kapabayaan ng ospital ay dinala ito sa UST Hospital at sinabing hindi na malulunasan ang kalagayan ni CJ dahil kumalat na ang lason sa katawan ng bata. Kung naagapan pa daw sana, ay maaaring mailigtas pa ang bata.



Malaking palaisipan sa mga magulang ni CJ ang nangyari sa kanya. Na sa murang edad ay magagawang tapusin ang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason. 

Naalala na lamang ng kanyang ina ang kinukuwento ni CJ, na mayroon daw kaklase ang bata na naglaslas. Doon na naisipan ng kanyang ina na si Paula Mariz Bautista na buksan ang Facebook messenger nito at basahin ang mga nakakausap ni CJ. 

Ang laking gulat niya, ng makita niyan nagpapalitan ng 'suicidal photos' ang kanyang anak at ang kaklaseng kinukuwento ni CJ sa kanya na naglaslas. Doon niya napagtanto, na marahil ang 'Blue Whale' at "Momo' challenge ang naging dahilan para tapusin ni CJ ang kaniyang buhay. Nabanggit pa daw ni CJ sa ospital na, "I will follow my master and I will kill them all", kaya nasabi ng kanyang ina na epekto ng social media lalo na ang App na iyon ang dahilan bakit nagawa iyon ni CJ. 

Nagbigay naman ng payo ang ina ni CJ sa mga magulang na bantayan mabuti ang mga anak, lalo na ang mga activities na ginagawa ng bata sa mga gadgets. Ipaliwanag din kung bakit kailangan na hindi masyado gamitin ng bata ang gadgets, para hindi magdulot ng hindi magandang epekto ito sa bata. 

Panoorin ang ulat ni Erwin Tulfo dito:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: YouTube

No comments:

Post a Comment