Breaking

Sunday, February 10, 2019

Nakamamatay na sakit na dumapo sa hayop, pwede maging zombie -US reports

Mga usa nakitaan ng senyales ng 'zombie deer disease' sa 24 US States. Imahe mula sa Daily Express

Mayroon kumakalat na balita na maaaring maging zombie ang mga hayop na dadapuan ng nakamamatay na sakit sa U.S. na kung saan maaari diumano din itong maipasa  sa tao. 

Ang 'zombie deer disease' o mas kilalang 'chronic wasting disease' ay madalas na matatagpuan sa deer, moose, at elk.



Noong Enero, mayroon nang naitala sa 24 US states at dalawang probinsya sa Canada ang naturang sakit sa hayop. 

Sa ngayon ay kumakalat  na din ito sa bahagi ng North America. 



Ang mga palatandaan na ang hayop ay may ganitong sakit, ay magkakaroon  ng pagbaba ng timbang at pagiging agresibo nito. 

Bagaman ang mga babala tungkol sa 'zombie deer disease' sa loob ng nakaraang ilang taon ay inihalintulad sa 'mad cow disease', wala pa naman sapat na katibayan maaaring makahawa ito sa tao kapag kinain ang karne. 

Madalas matagpuan ang 'chronic wasting disease' sa mga hayop na nasa bukid na madalas na pagala-gala. Maraming panahon pa ang dadaan bago mapatunayan na may nakakatakot na epekto nga ito sa mga hayop. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Daily Mail

No comments:

Post a Comment