Breaking

Thursday, February 7, 2019

Ordinansa para sa mga tsismosa, ipatutupad sa isang barangay sa Baguio City

Mga tsismosa sa inyong barangay, maaaring pagmultahin ng Php300-Php1000 ayon sa ordinansa sa Baguio City. Imahe mula sa Flicker at Facebook



Naglipana na nga ang mga iba't-ibang uri ng tsismosa ngayon. Dahil ba ito sa kakulangan ng trabaho, kaya imbes na maging produktibo ang taong walang hanapbuhay, ay pakikipag-tsismisan nalang ang kanilang ginagawa.

Minsan ka na bang napag-tsismisan o di kaya'y dinayo ng tsismosa mong kapitbahay?



Sa isang barangay sa Baguio city, ipinagbabawal na ang paninira sa kapwa o pagkakalat ng tsismis. 

Madalas daw kase itong pinagmumulan ng gulo o away ng magkakapitbahay. 



Kaya naman nagpasa ng ordinansa ang mga opisyal ng Barangay Upper Rock Quarry para  matigil ito.

Ayon kay social service committee head ng Brgy. Upper Rock Quarry, madalas daw itong pinagmumulan ng away. 



"Nakakasira sa pagkatao yan e. Tsaka 'yan ang umpisa ng pag-aaway away ng mga magkakapitbahay."

Ang mga lalabag sa nasabing ordinansa na "anti-tsismis" ordinance ay pagmumultahin ng mula Php300 hanggang Php1000. 

Ipapatupad ito simula Pebrero 16, 2019. 



Kung may "anti-tsismis" ay mayroon din naman ordinansa ipinatupad ang Barangay Holy Ghost Proper ang mga lantarang  pagsasampay ng mga 'underwear' 

Ayon sa mga residente, mas mainam na maayos ang pagkakasampay ng mga damit dahil malapit sa highway ang kanilang barangay. Mas maganda daw na maayos ang pagkakasampay para ma-preserve din daw ang ganda ng bahay o building na tinitirhan. 

Sabi ng Kagawad sa Brgy. Holy Ghost Proper na si Eugene Yocogon, daanan ng turista ang kanilang barangay, kaya nagpatupad sila ng ganitong ordinansa. 

"Ang Holy Ghost proper kasi malapit sa Central business district kung saan maraming turista ang pumupunta."

Kaya nagpasa ang barangay na nagbabawal ng lantarang pagsasampay ng underwear.  

Php300 ang multa sa mga magsasampay ng underwear sa labas ng kanilang bahay. 

Ginawa ito ng barangay para mapanatili ang kagandahan ng siyudad dahil kilala itong pasyalan ng mga turista. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment