Breaking

Monday, February 25, 2019

Palaban na PNoy! "Ang pagkalimot ng aral ng nakalipas, garantisadong mauulit ang madilim na bahagi ng kasaysayan."

Dating Pangulo Benigno Aquino III, nagbigay ng mensahe sa paggunita ng ika-33 taong anibersaryo ng EDSA people power revolution. Imahe mula sa Philippine Star
Ang pagkalimot sa nakaraan ay maaaring humantong sa madilim na pagkaulit ng kasaysayan ng ating bansa. Yan ang naging babala ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga Pilipino, na nakidalo sa paggunita ng ika-33 taong anibersaryo ng EDSA people power revolution.

“Kung hindi na relevant, malimutan n’yo ang aral ng nakalipas, garantisadong uulitin n’yo ang pagkakamali. Nasa inyo ’yun, demokrasya. Nasa inyo kung gusto n’yong ulitin ang madilim na bahagi ng kasaysayan.” ani ni Pnoy.



Sinabi ni Aquino na ang mga halaga ng rebolusyon ng EDSA noong 1986 na humantong sa pagbagsak ng diktador na si Ferdinand Marcos ay may kaugnayan pa rin sa mga Pilipino hanggang ngayon.

Katulad na lamang daw ng kasalukuyang nangyayari ngayon sa administrasyon. 

Inihalintulad niya sa isang ostrich, ang mga tao sa gobyerno. Na kapag kaharap ang leon, ay tumutungo. 



Naiintindihan naman daw ni Noynoy ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa  tuwing ginugunita ang  'EDSA People Power', dahil halos 3-taon palang ng maluklok sa pwesto ang pangulo. 

“That is his right. It sends a message out. In a democracy, we have to respect their decision even if we don’t agree with it,”  sabi ni Noynoy.

Ibinahagi din ni Pnoy ang kanyang opinyon tungkol sa planong palitan ni Pangulong Duterte, ng 'Maharlika' ang pangalan ng Pilipinas. 

Ganun din ang pagsasabatas ni Pangulong Duterte ng 'human settlements, na ginawa daw noong panahon ni Marcos para kay Imelda.

“To choose that particular word and it was Marcos who floated that idea, was that a conscious choice to indicate a preference?.”

“Is there a dearth of words to name a particular department to convey what you want? If you use those particular words, is it not just to indicate the function or is it indicative also of your ideology? That is the question, I don’t know why those words were particularly chosen,” ayon kay Pnoy. 

Sa huli, ang sabi niya kung ayaw nila ng kasalukuyang administrasyon, iboto ang  Otso Diretso .

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar

No comments:

Post a Comment