Breaking

Friday, February 22, 2019

Pangulong Duterte, ibinunyag na ang 'ecstasy' na ginamit ng 19-year old party drug victim sa Cebu ay sa kanya mismo nanggaling

Pangulong Duterte, binigyan tuldok ang palaisipan ng kamatayan ni Ashley Abad. Imahe mula sa GMA at Manila Bulletin

Si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagbunyag na ang pagkamatay ng senior highschool na estudyante sa Cebu na diumano ay na-overdose sa droga na 'ecstasy' noong Sinulog Festival ay sa kanya mismo nanggaling, hindi sa sinasabing boyfriend ng dalaga. 

Kwento ni Pangulong Duterte noong Pebrero 20, sa Malakanyang Rizal Hall, magiging mabagsik siya sa pagsupil ng droga sa bansa sa mga darating na araw. 



Ibinahagi niya rin sa kanyang pagsasalita sa palasyo, noong nakaraang dalawang linggo ang nakalipas nang pumunta ang magulang ni Ashley Abad at huminge ng tulong sa kanya para mabigyang ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak. 

Doon nalaman ng mga magulang ni Ashley, na mismo sa kanilang anak nanggaling ang droga na naging sanhi ng pagkamatay ng dalaga. 



Ashley Abad, imahe mula sa PhilNews
Natuklasan diumano ito sa 'text message' niya sa kanyang kaibigan, ayon sa forensics examination. 

"Nag-reklamo sila, they want justice. Pero nakita nila, na-recover ng forensics examination pati ‘yung... She was the one who was actually texting another girl na maghati sila doon kasi ‘yung isa, reserba niya para sa kanyang boyfriend, ‘yung missing until now." 

"And to make a long shot guess na galing sa boyfriend, eh siya ‘yung may hawak eh. Siya nga nagsabi doon sa text, para ito sa boyfriend niya. So hindi ma-ano sa nanay pati tatay na..." 



Dagdag pa ng Pangulo na gusto niya maiyak sa pagkamatay ni Abad, ngunit droga ang pinagusapan at alam naman natin na galit na galit si Duterte sa droga. Nakisimpatya siya sa magulang ni Abad, dahil may anak din siyang hindi nalalayo sa edad ni Ashley Abad. 

"I wanted to cry with them, not because na sentimental ako by the profound sorrow ng... May anak rin ako eh. Iyan ang problema... "

Ayon sa mga imbestigador, nakilala na nila ang tao na responsable sa pagbbgay ng ecstasy kay Abad at hindi ang boyfriends na sinasabing nagbigay ng ecstasy sa dalaga. 

Si Ashley at ang kanyang boyfriend. Imahe mula sa MSN.com

Si Nel Spencer Tiu, boyfriend ni Abad ay nagtungo sa Cebu City Police Office (CCPO) noong Pebrero 13 at itinanggi na siya ang nagbigay ng 'party drug ecstasy' kay Abad. 

Hindi pinangalanan ng mga mga imbestigador ng CCPO ngunit nangako na patuloy na mag-iimbestiga sa kaso. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Sunstar

No comments:

Post a Comment