Breaking

Sunday, February 3, 2019

Pangulong Duterte, may mensahe sa fake news: "Please pray for the eternal repose of my soul"

Imahe mula sa Facebook

May nagpakalat sa social media ng balita na si Pangulong Rodrigo Duterte ay pumanaw na raw. Naging usap-usapan ito ng hindi makadalo sa isang event sa Palo, Leyte noong Biyernes ang pangulo. 

Kaya naman sa isang video na pinost ng kanyang common-law wife na si Cielito “Honeylet” AvanceƱa noong Linggo, sinagot ni Pangulong Duterte at may mensahe siya sa mga nagpapakalat na siya ay pumanaw na. 



“For those who believe in the news that I passed away, then I request of you: Please pray for the eternal repose of my soul. Thank you.” 

Sinabi ng Pangulo na nais niyang dalhin ang mga kahilingan ng mga opisyal ng simbahan at mga adik sa droga sa langit, o sa impiyerno, saan man siya mapunta tugo niya sa maling balita na ito. 

“My reaction to my passing away: I will ask God first if he’s available for interview kasi pupunta na ako ‘dun. Ano mga mensahe ninyo? Dadalhin ko. Pari, obispo, lahat,” aniya ni Pangulong Duterte sa Facebook video.



“And yung mga last wish ng mga durugista, ilista ninyo. Ako na magdala doon sa langit o sa impyerno. Depende lang.” 



Ayon naman kay Executive Secretary Salvador Medialdea, na hindi superman ang pangulo, minsan ay hindi maganda ang kanyang pakiramdam, pero ayos naman ang ating Pangulo. 

“He’s OK and ready to rumble. Hindi naman siya si Superman. Siya ay tao po lamang na paminsan-minsan ay ‘not feeling well.’ Di ba?.” 



Sabi naman ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, magpo-post naman sila kung ang kanyang ama ay pumanaw na. Mag-hintay lang ang kanilang mga bashers. 

“Wala pa man mi gitawag sa deathbed so I guess ok pa siya, Antay lang po lahat ng haters mag post ako ng picture when the time comes.”





What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer


No comments:

Post a Comment