Breaking

Thursday, February 7, 2019

Pangulong Duterte, nagbigay ng P500K sa mga biyuda ng sundalo na nasawi sa pagsabog sa Jolo

Pangulong Rodrigo kasama si SAP Bong Go at ang kanyang gabinete nagbigay ng tulong sa mga biyuda ng mga sundalong nasawi sa Jolo. Imahe mula sa Facebook SAP Bong Go

Hindi matatawaran ang sakripisyong ginagawa ng ating mga sundalo at ng ating kapulisan para masiguro ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa at matiyak ang seguridad ng ating mga komunidad. 

Ang sakripisyong ito ay laging naaalala ni Pangulo Rodrigo Duterte lalo na kapag nalalaman niya na mayroon na namang mga sundalo at pulis ang nasawi sa mga engkwentro laban sa masasamang rebelde at kriminal.



Noong Lunes, Pebrero 4, 2019 ay nakidalamhati si Pangulo Rodrigo Duterte, SAP Bong Go,  Defense Secretary Lorenzana at said Labor Secretary Silvestre Bello III  para makiramay at magbigay ng tulong sa mga naiwan na asawa ng mga magigiting na sundalo na nasawi sa pagsabog sa Jolo noong nakaraang Linggo. 

“He gave them the Presidential Special Financial Assistance worth P500,000 while the AFP (Armed Forces of the Philippines) likewise gave them their financial assistance ranging from P200,000 to P400,000 depending on the rank of the soldier,” ayon kay Defense Secretary Lorenzana.



Nagpapasalamat naman ang mga asawa ng mga sundalo at ng mga police personnel sa patuloy na pagbibigay ng suporta ng gobyerno sa kanila at sa kanilang kapakanan. 

Imahe mula sa Facebook/ Bong Go

Imahe mula sa Facebook/ Bong Go



Imahe mula sa Facebook/ Bong Go
Bukod sa mga sundalo na nasawi sa Jolo, nakiramay din ang Pangulo Duterte sa mga pamilya ng mga sundalo na nasawi sa encounter laban sa gobyerno ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu  noong Pebrero 2. 

Ayon kay Lorenzana, simula 2016 hanggang ngayon 2019 ay hindi nakakalimot si Pangulo Duterte na magbigay ng tulong sa mga naiwan na pamilya ng mga bayani ng Pilipinas. 

Mayroon lang daw concerns ang mga pamilya ng mga sundalong nasawi kagaya ng pabahay, trabaho at iba pa, kaya naman kasama ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III para tugunan ang mga pamilya ng naiwanan ng mga sundalo, ganun din si National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr. para tugunan ang mga problema sa pabahay para sa mga naiwan ng mga bayani natin sundalo. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook/ Bong Go


No comments:

Post a Comment