Breaking

Tuesday, February 19, 2019

Pangulong Duterte, nagbigay ng pondo na P1-billion para ipautang sa mga mahilig mangutang sa 5-6

Dahil naaawa si Pangulo Duterte sa mga kumakagat sa 5-6, iniutos niya na pondohan ang pagpapahiram ng pera sa mga ito.Imahe mula sa RMN
Usong-uso sa mga tindera sa palengke ang manghiram sa mga nagpapautang ng 5-6, dahil kailangan nila may mapaikot na pera kaya ending sila ang nababaon sa utang.

Kahit noong Mayor palang si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City, ay pinatanggal niya na ang kaugalian na ito sa mga negosyante at mga nagpapautang ng 5-6. 



Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, naglatag ng P1-billion loan assistance si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga maliit na negosyo katulad ng mini groceries, eateries at mga tindera sa palengke. 

Sabi n  Lopez, ang mga maaaring makahiram sa loan assistance na ito ay ang mga mahihirap sa 30 probinsya lalo na ang  Occidental Mindoro, Sarangani at Tacloban City.



Maaaring makahiram ng P5,000 hanggang P10,000 ang isang negosyante at pwede pa itong tumaas kapag maganda ang pagbabayad ng humiram.

Wala itong hihingin na collateral sa mga tindera, at mayroon itong mababang interest na P1,000  sa loob ng isang taon o katumbas ng P83.33 kada buwan. 

Mas mababa daw ito, kumpara sa mga nagpapautang ng 5-6, dahil pinapatong nito ay 20% sa araw-araw na singil nito sa mga tindera. 

Maaaring makipagugnayan sa mga 'market vendor associations, cooperatives at microfinance institutions, ang mga negosyante na kailangan manghiram ng pondo kaysa manghiram sa 5-6.
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment