Breaking

Sunday, February 17, 2019

Pangulong Duterte, nagpapaalala sa publiko laban sa mga tamad na empleyado ng gobyerno: "Barilin mo, p***** i**** ‘to. Sabihin mo nagbabayad ako ng buwis."

Pangulong Duterte, nagpaalala sa publiko laban sa mga tamad na empleyado ng gobyerno. Imahe mula sa Facebook
Muling nagpaalala si Pangulong Duterte sa publiko na kung maabala sa mga transaksyon sa gobyerno, pagmumurahin at barilin agad ang mga empleyado nito.

Galit na sinabi ng pangulo ang umano'y tila wala daw pagbabago sa aksyon ng mga tanggapan sa gobyerno at mga mababagal na transaksyon sa mga opisina matapos malamang may mga natetengga pa din na mga permits at iba pa.

“Ang tao pag pabalik-balik… Kayo rin kasi — that’s the problem with the Filipinos — ayaw ninyong mag-assert. Ayaw ninyong mag-ano… Konting tapang lang naman ‘yan eh. Kung kayo ay pabalik-balikin tapos magsusuplado ‘yung mga empleyado p** — sabihin mo, p***** i** ka nagbabayad ako ng buwis. Huwag mo akong ganunin,”

Ayon sa pangulo, ang mabagal na aksyon sa mga opisina ng ng gobyerno ay nag uugat ng sapilitang pagbibigay ng pera o lagay ng mga may transaksyon kaya ito ang dahilan kung bakit hindi mawala wala ang korapsyon sa mga ahensya.

Dagdag pa ng pangulo, sa Davao City hindi pinapayagan doon na lumagpas ng tatlong araw ang pagkuha ng mga permit dahil kung itoy hindi nagagawa, kanya agad pinaparusahan.

Kaugnay nito, hinimok ng pangulo ang taumbayan na kung sakaling maabala sa mga transaksyon sa gobyerno, pagbabarilin na lamang daw ang mga ito.

Ngayon kung kayo naman bigay nang bigay, sinabi ko na nga sa inyo eh pag ayaw ibigay ‘yung permit mo, barilin mo. Sabihin mo p***** i**** ‘to. Pilipino ako pinagkakwartahan pa ako,”

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment