Breaking

Tuesday, February 12, 2019

Pangulong Duterte, nais palitan ang pangalan ng Pilipinas na "Maharlika"

Pangulong Duterte, nagpahayag ng idea na palitan ang pangalan ng Pilipinas. Imahe mula sa Remate at Medium.com
Noong Lunes, nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na magandang idea ang palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika. 

Ayon sa mga historians, ang salitang maharlika ay may ibig sabihin na malayang kalalakihan. 

Dagdag pa ng mga historians, walang archipelago sa Southeast Asia o historical evidence na mayroon "Kingdom of Maharlika".


Nabanggit ni Pangulong Duterte ang ganitong pagpapalit ng pangalan ng Pilipinas sa kanyang talumpati sa pamimigay ng 'land certificate ownership award' sa mga taga Maguindanao. 

“The Philippines was discovered by Magellan using the money of King Philip… Okay na iyan. Balang araw palitan natin. Actually tama si Marcos… gusto niyang palitan - Maharlika”.

Kung matatandaan, ang salitang "Maharlika" at unang ginamit noong World War II ng yumao at dating Presidente Ferdinand Marcos, noong pineke niya diumano na mayroon siyang grupo ng guerilla na ang pangalan ay "Maharlika unit" ayon sa American Army investigators, ngunit ayon sa kanila "no such unit ever existed."

Ayon sa Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapahayag lang ng idea na baguhin ang pangalan ng Pilipinas. 

Maganda daw ito sa pandinig, kaya nabanggit ito ng Pangulo. 

"He is expressing an idea again as usual," Panelo told reporters during a press briefing. "Sa tingin ko kay Presidente, maganda pakinggan ang Maharlika."

Dagdag pa ni Panelo, nagpapahayag lang si Pangulong Duterte ng kanyang damdamin sa pagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan ang bansang Pilipinas. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment