Breaking

Wednesday, February 27, 2019

Pangulong Duterte, pati ina ni Senator Trillanes bibigyan ng subpoena: "Sumobra ka, I will subpoena your mother sa ayaw mo at sa hindi."

Pangulong Duterte, bibigyan ng subpoena pati ang ina ni Senador Antonio Trillanes. Imahe mula sa Remate at Inquirer
Sa general assembly ng League of Municipalities of the Philippines, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Pebrero 26, 2019 na bibigyan niya din ng subpoena ang 84-taon-gulang na ina ni Senador Antonio Trillanes dahil sa diumano'y illegal na transakyon ng kanyang ina sa Philippine Navy bilang supplier nito.

Simula palang noong Setyembre 2018, inakusahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ni Senador Trillanes na si Estelita, na may illegal na gawain diumano noon sa Philippine Navy. Ito ay matapos na i-revoke ang amnesty ni Trillanes sa ginawa niyang coup de etat, noong panahon ni Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Pangulo Duterte, na may kapangyarihan siya para gawin iyon sa ina ni Trillanes. 

"Sumobra ka. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo at sa hindi."

"Baka sabihin mo walang power. There is. We also have the contempt power but we have to go to court". ayon sa pangulo. 

Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes noon, na binalaan niya si Pangulong Duterte na 'wag isali ang kanyang ina sa kanilang away dahil sa may sakit ang kanyang ina na 'Advanced Parkinson's Disease'.

Ipinagpapatuloy pa din imbestihan ng pangulo ang mga magulang ni Senador Antonio Trillanes, kahit na ang kanyang ama ay namayapa na noong taong 1998. 

"We are investigating 'yung mga deals sa panahon ng tatay pati nanay niya. You can be very sure na lalabas lahat 'yan," ayon sa pangulo. 

Ito ay matapos na idawit ang pangalan ng tumatakbong Senador at special assistant to the President Bong Go, sa pagkakasangkot niya sa transaction ng 'Navy frigate deal' sa mga supplier sa South Korea.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: CNN Philippines


No comments:

Post a Comment